Friday, September 26, 2008

Matalik Na Magkaibigan

Si Capt. Roger Salas ay isa sa mga magigiting nating sundalo na nakikipagdigma sa parteng south ng Pilipinas upang lupigin ang mga bandido doon. Marami na rin siyang natanggap na medalya at parangal sa kanyang pagiging kawal. Subalit bago niya narating ang kinaroroonan niya ngayon ay nagdaan din siya sa pangungutya ng mga taong nakapaligid sa kanya at ang masama pa dito ay mula na rin sa kanyang sariling ama.

Lumaki si Roger sa isang military camp sa Gitnang Luzon. Anak siya ng isang militar. Ang kanyang mga nakagisnan na kalaro ay mga anak din ng militar. Sa murang edad niya ay mas kinagaanan niya ng loob ang makipaglaro sa mga kababaihan. Madalas siya noong tuksuhin na bakla ng mga kababata nitong kalalakihan. Pinilit niyang makipagkaibigan sa kapwa niya lalaki dahil sa tuwing makikita siya ng kanyang ama na nakikipaglaro sa mga babae ay tiyak makakatikim siya ng sinturon pag-uwi niya sa bahay.

Labag man sa kalooban niya ay natuto siyang maglakwatsa kasama ang mga kalaro niyang lalaki. Natuto siyang magtirador ng ibon, manghuli ng gagamba at umakyat sa mga puno upang mamitas ng bunga ng mangga, santol, bayabas at kung anu-ano pa sa paanan ng bundok na malapit sa kampo. Kahit papaano ay naranasan niya ang mga gawain ng mga kalalakihan sa kanilang lugar.

Nang mag-teenager si Roger ay nahilig siya sa pagsasayaw. Lingid sa kaalaman ng tatay niya ay sumali siya sa isang group dance contest sa kanilang lugar. Kasama niya sa grupo ang tatlong babae at dalawang bading na classmates niya. Bago dumating ang gabi ng contest ay nalaman ng tatay ni Roger na kasama siya sa dance contest na ang kasama niya ay mga bading at babae kaya naman hindi niya ito pinalabas ng bahay sa araw ng paligsahan. Bugbog sarado si Roger sa kanyang tatay kaya naman ilang araw din siyang hindi lumabas ng bahay para walang makakita sa kanyang mga pasa.

Mahal na mahal si Roger ng kanyang ina subalit wala itong magawa sa tuwing sasaktan siya ng kanyang tatay. Tanging mga payo na lamang ng kanyang ina ang sundin na lamang ang gusto ng kanyang tatay para hindi na siya masaktan. Ipinaliwanag din sa kanya ng kanyang ina na mataas kasi ang pangarap ng kanyang ama sa sarili kaya lamang ay di na niya ito matutupad. Si Roger ang nag-iisang anak nila ang inaasahan niyang magiging heneral balang araw.

Pilit itinago ni Roger sa kanilang school ang kanyang tunay na pagkatao. Subalit pinagdududahan pa rin siya dahil di pa rin siya nagkakasyota o di man lang nanliligaw ng babae. Sa halip na bigyang pansin ni Roger ang mga bagay na iyon ay ibinuhos na lamang niya sa pag-aaral ang kanyang panahon. Naging consistent topnotcher si Roger sa kanilang klase. Dahil dito ay dumami pa ang naging kaibigan ni Roger mapababae man o lalaki. Marami ring nagkaka-crush na babae sa kanya dahil may itsura naman si Roger. Subalit talagang di niya type ang magkasyota.

Fourth year high school si Roger noon nang makilala niya ang transferee sa kanilang school na si Mark. Galing sa private school si Mark at anak din ng opisyal na militar. Nakick-out daw si Mark sa dating school nito at wala ng private school na gustong tumanggap sa kanya. Palibhasa opisyal sa kampo ang ama ni Mark kaya natanggap siya sa school ni Roger. Gwapo at napakalinis tignan ni Mark lalo sa sa kasuotan niyang puting polo at itim na pantalon. Halos lahat ng kababaihan sa school ay nagkaka-crush kay Mark. Kay Roger siya unang nakipagkaibigan ng malaman niyang top notcher ng klase nila si Roger.

Noong nasa private school pa si Mark ay style na niya ang magdididikit sa mga matatalinong classmate niya upang sa oras na mangailangan siya ng tulong sa mga assignment niya ay may malalapitan siya. Ganoon din ang ginawa ni Mark kay Roger. Mabait naman si Roger kaya sa tuwing kailangan ni Mark ng tulong niya ay hindi niya ito binibigo. Sa pagsama-sama ni Mark kay Roger ay di niya inalintana ang mga panunukso sa kanila na magsyota silang dalawa. Kahit aminado si Roger kay Mark na totoo ang panunukso ng kanilang mga classmates sa kanya na siya’y may pagkasilahis ay binalewala lamang ito ni Mark basta huwag lang daw siyang papatusin nito.

Sa kalagitnaan ng school year ay lalong naging malapit sina Mark at Roger. Minsan pa nga ay ikinatuwa ng ama ni Roger nang sa bahay nila Roger sila gumawa ng assignment. Noon nakilala ng ama ni Roger si Mark na isang tunay na lalaki. Akala ni Roger ay pagiging kaibigan lang ang nararamdaman niya kay Mark pero mas higit pa pala doon. Ayaw niya sa kanyang nararamdaman kaya naman pilit niyang iniwasan si Mark upang hindi siya tuluyang ma-in love sa kanyang kaibigan. Napansin ito ni Mark at nang makahanap ito ng pagkakataon ay kinausap niya ng sarilinan si Roger.

Walang ibang dahilan masabi si Roger kay Mark sa kanyang pag-iwas sa kaibigan. Kaya naman ipinagtapat na lamang niya ang katotohanang umiibig na siya sa kanyang kaibigan.

“Yes Mark, aaminin ko na nahuhulog na ang loob ko sa iyo. Sa tingin ko ay mahal na kita.” ang pagtatapat ni Roger kay Mark.

“Oh, anong problema doon?” ang tanong ni Mark kay Roger.

“Di ba, sabi mo noon, pwede tayong maging magkaibigan basta huwag lang kitang papatusin.” ang dugtong pa ni Roger.

“Sabi ko lang yun noon, eh kung may gusto ka sa akin ay pwede naman nating pag-usapan iyon, huwag ka lang biglang iiwas sa akin.” ang paliwanag ni Mark.

“Ang ibig mong sabihin ay pwede na tayong dalawa.” ang nasabi ni Roger.

“Hep, hep, hep, hindi sa ganoon, basta friends pa rin tayo, basta.” ang tugon ni Roger sabay akbay sa kaibigan.

Sa araw na iyon ay sinamahan ni Mark si Roger papauwi sa bahay. Pwede namang maglakad papauwi kina Roger dahil malapit lamang ito sa school kaya nagpasya ang dalawa ng maglakad na lamang. Masaya ang magkaibigan sa kanilang paglalakad at panay kantyawan pa at hagikgikan. Madalas ay nakaakbay si Mark kay Roger na lalong ikinasaya ng huli. Tanging ang ina ni Roger ang kanilang nadatnan sa bahay. On duty pala ang ama ni Roger. Ipinaghanda sila ng merienda ng ina ni Roger. Nang matapos silang kumain ay pumasok sila sa silid ni Roger samantalang ang ina naman ni Roger ay nagpatuloy sa paglalaba sa likod bahay.

“May pag-asa ba na mahalin mo rin ako?” ang tanong ni Roger kay Mark.

“Syempre naman, mahal kita bilang kaibigan.” ang tugon ni Mark.

“Eh kung higit pa doon.” ang muling naitanong ni Roger.

“Ah, ewan, di ko pa rin nasusubukan yun eh, chicks pa lang ang mga naging syota ko eh.” ang naisagot ni Mark kay Roger. “Pero mapag-uusapan naman natin iyan.” dugtong pa ni Mark.

Biglang niyakap ni Roger si Mark at hinalikan sa mga labi. Sa simula ay medyo pumipiglas si Mark subalit nagparaya na lamang siya sa ginagawa ng kaibigan. Nang hubaran ni Roger si Mark ng damit ay hindi na niya ito pinigilan. Naghubad din ng kanyang damit si Roger at sinimulan na niyang romansahin ang kaibigan sa pamamagitan ng paghalik nito sa buong katawan. Kahit noon pa lamang nagawa ni Roger ang bagay na iyon ay nasarapan din si Mark. Noon pa rin naman natikman ni Mark na romansahin ng katulad niyang lalaki. Naudlot ang kanilang romansahan nang kumatok ang ina ni Roger.

Nagmadali silang nagbihis at lumabas ng silid. Niyaya ng ina ni Roger si Mark na doon na maghapunan tutal gabi na rin. Tumanggi si Mark dahil baka hanapin na siya sa kanila. Kinuha ni Mark ang bag niya na naiwan sa silid ni Roger at nagpaalam na ito sa mag-ina.

Dahil sa nangyari sa silid ni Roger ay lalong naging malapit ang magkaibigan sa isa’t isa. Naging madalas din ang punta ni Mark kanila Roger kahit wala silang pasok. Madalas na din ang paggawa nila ng patagong romansahan. Hanggang sa mahuli sila ng ama ni Roger. Nagmakaawa si Mark na huwag ng paratingin sa kanyang ama ang pangyayari sa pangakong iiwas na siya kay Roger. Si Roger naman ay nakatikim muli ng bugbog ng ama na naging dahilan ng hindi nito pagpasok ng mahigit dalawang linggo.

Sa pag-absent ni Roger sa klase ay marami siyang lessons at quizzes na na-miss. Ito ang dahilan kung bakit bumaba ang grades niya sa finals. Ito rin ang naging sanhi ng pagiging salutatorian na lamang ng siya ay magtapos sa high school. Sa araw ng kanilang graduation ay muling nagkatabi sa upuan si Roger at si Mark. Magkasunod kasi sila sa alphabetical listing. Walang magawa ang ama ni Roger kundi ang bantayan ang dalawa. Alam ng dalawa na magkakatabi sila sa upuan kaya pala naghanda sila ng liham sa isa’t isa at nag-abutan ng makakita sila ng pagkakataon.

Umakyat si Roger sa entablado upang magtalumpati. Kahit meron siyang naprepare na talumpati ay naisingit pa rin niya ang pagpapasalamat sa isang kaibigan na naging bahangi ng kanyang buhay at sa kanya niya inialay ang mahigit tatlong taon na pagiging top notcher sa klase. Ang medalya niyang pilak ay inialay niya sa kanyang ama. Maraming nagtaka sa talumpati ni Roger. Buti na lamang at abala sa pakikipagkwentuhan ang ama ni Roger sa mga katabi nito kaya di niya gaanong naintidihan ang talumpati ni Roger. Nang matapos ang graduation ay nagkaroon na kaunting salu-salo sa bahay nila Roger.

Kinagabihan ay binasa ni Roger ang liham na iniabot sa kanya ni Mark. Ito ang nilalaman ng liham ni Mark:

Dear Roger,

Bago ang lahat nais kong batiin ka sa pagiging salutatorian mo. Ang galing-galing mo talaga. Sana ay valedictorian ka kung hindi dahil sa akin.

Sorry nga pala kung mas minabuti ko pang iwasan ka kaysa malaman ng mga magulang ang tungkol sa atin. Iyon lamang na naisip kong paraan para hindi na lumaki ang gulo. Alam mo, natatawa ako sa sarili ko. Mahuhulog din pala ang loob ko sa isang katulad mo, eh sana noon pang nasa private school pa ako unang nakaranas ng ganito. Aaminin ka na sa iyo Roger na isang katulad mo ang naging dahilan kung bakit ako na-kick-out sa school ko dati.

May isa akong classmate na anak ng heneral na nagkagusto sa akin. Syempre diring diri ako dahil pareho kaming lalaki kasi. Exclusive school kasi iyon for the boys. Akala ko noong una ay lalaki siyang tunay kaya pumayag ako makipagkaibigan. Pero nang magtapat na siya sa akin ay laking gulat ko dahil hindi naman halata sa kanya ng ganoon nga siya. Simula noon ay iniwasa ko na siya. Sumama ang loob niya sa akin kaya gumawa siya ng paraan para makaganti sa akin. Planted ang marijuana na natagpuan ng gwardya sa aking bag. Naging positibo din ang test sa akin dahil sa impluwensya ng amang heneral ng classmate niya sa laboratoryong sumuri sa akin. Ni minsan ay di pa ako nakatikim ng droga.

Sa iyo ay di ako nagdalawang isip na tanggapin ang pagmamahal mo. Napakabuti mong kaibigan. Swerte ang pag-aalayan mo ng iyong pagmamahal. Sana ako na lang iyon pero maraming balakid sa ating dalawa. Lalo na parehong militar ang ating mga magulang. Di bale, kapag tayong dalawa talaga ay magtatagpo muli ang ating mga landas.

Sana magtagumpay ka sa mga pangarap mo at kung matagumpay kana, huwag mo sana akong kalimutan.

I love you, Roger, maniwala ka man o hindi.

Mark

Ito ang huling communication nila ni Mark. Si Roger ay pumasok sa isang military school upang tuparin ang pangarap ng kanyang ama. Sa military school niya muling naranasan ang pagsuso ng ari ng iba. Hindi sa paraang pagpapaligaya kundi bilang parusa sa kanya. May bulong-bulungan kasi sa mga kasamahan niya sa platoon na silahis si Roger. Laking hirap at sakripisyo ni Roger sa loob ng military school. Minsan ay naisip niyang mag-quit dahil sa pang-iinsulto ng mga kasamahan niya lalo na ng upper classmen niya. Pero mas higit na takot sa ama ang pumigil sa kanya sa balak nito. Pinilit niyang maka-graduate. Nang magtapos si Roger ay nasa top ten siya sa batch na iyon. Laking tuwa ang ama ni Roger at halos ipagsigawan sa buong mundo na opisyal na rin ang kanyang anak na si Roger.

- Abangan ang susunod na kabanata -