Thursday, October 16, 2008

JUST LIKE SONNY

Ako ay ipinanganak, nagkaisip at lumaki sa isang probinsya sa Norte. Doon na nag-aral at nakapagtrabaho. Masyado akong tahimik na tao pero marami pa rin akong naging friends. Nagkaroon ako ng maraming friends dahil ang galing ko daw mag-advice kung may mga problema sila. Para akong counselor ng mga friends ko. Nagka-girlfriend din ako dahil sa galing kong magpayo. Maganda siya at matalino pa. Masaya ako sa aming relationship hanggang sa isang pangyayari sa aking buhay.

Dahil sa isa ring kaibigan ay nakilala ko si Sonny. Sa unang pagkakita ko sa kanya ay masyado siyang problematic. Bad boy image siya kung tignan. Sa simula, di gaanong nakikipag-usap sa akin si Sonny. Pag-umiinom kami kasama ang mga common friends namin, para bang asiwa siyang makipag-usap sa akin. Minsan nga ay biniro siya ng mga kaibigan namin na kung ano man ang problem niya sa buhay ay ako lang daw ang makakapagpayo sa kanya ng maganda at makakapagpaluwag ng kanyang kalooban. Binalewala ni Sonny ang sinabi ng aming mga kaibigan sa kanya at wala lang siyang reaction.

Isang gabi ay tinawagan niya ako sa bahay at niyaya akong uminon sa labas. Akala ko ay marami kami, pero ng sunduin niya ako sa bahay ay nag-iisa lang siya. May mabigat pala siyang problem at nang gabing iyon ay inihinga niya ang problemang bumabagabag sa kanya. Mayaman ang pamilya niya pero naghahanap pa rin siya ng panahon at pagmamahal mula sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Bunso siya sa tatlong magkakapatid at pawang may sari-sariling pamilya na ang kanyang mga kapatid na nakatira na sa US. Madalas ang kanyang mga magulang sa US kaya siya lang ang palaging naiiwan sa bahay kasama ang mga katulong. At kung nasa bansa naman sila ay palagi sa mga social gathering. Di na nila inaalam kung kumusta na siya o kung ano ang mga pangangailangan niya.

Iyon ang simula ng pagiging malapit namin ni Sonny. Kahit sa phone ay inilalapit niya sa akin ang problema niya. Pati problem sa mga girlfriend niya ay nalalaman ko na rin. Sa itsura at yaman ni Sonny, di na ako magtataka kung di lang isa ang girlfriend niya. Madalas na rin kaming lumabas. Dito naman nagsimula ang problema ko sa girlfriend ko. Dahil kay Sonny ay nabawasan ang panahon ko sa kanya na di ko naman sinasadya. Di nagtagal ay nagkalabuan na kami at tuluyan ng nagkahiwalay. Nasakatan ako sa nangyari dahil mahal ko ang girlfriend ko. Kaya ng minsang niyaya ako ni Sonny na uminom ay sumama ako at talagang nagpakalasing ako. Dahil sa kalasingan ay di ko na nakayanang umuwi.

Nang medyo luminaw ang aking ulirat ay nasa bahay na ako ni Sonny. Nagpatulong pa siya sa kanilang boy na buhatin ako mula sa kotse papasok sa kwarto ni Sonny. Kahit hilong-hilo ako ay pinilit kong tumayo para umuwi. Di na ako pinayagan ni Sonny dahil baka kagalitan daw kami ng mga magulang ko. Inabutan ako ng maid ng mainit na kape para mabawasan ang aking kalasingan at nagpaalam naman si Sonny na magsa-shower daw siya para mawala din ang konting kalasingan niya. Naiwan akong nag-iisa sa kwarto habang pilit kong hinihigop ang mainit na kape. Di nagtagal ay pumasok na si Sonny sa kwarto na nakatapis lang ng twalya. Pinilit niya akong maligo rin para tuluyang mawala ang aking kalasingan. Inalalayan niya ako hanggang sa loob ng banyo.

Kahit tapos na siyang maligo ay sinamahan niya ako sa loob ng shower dahil baka raw bumagsak ako. Tinganggal ko ang lahat ng saplot ko sa katawan at nagsimula na akong maligo. Nang medyo nababasa na ang twalyang tapis ni Sonny ay tinganggal din niya ito. Parang nawala ang kalasingan ko ng makita ko ang buong katawan ni Sonny. Noon pa lang ako nakakita ng isa ring hubo’t hubad na lalaking tulad ko. Di ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mga sanadaling iyon. Maraming naglalaro sa aking isipan. Tila di ko na alam kung ano ang ginagawa ko sa mga sandaling iyon. Natauhan lang ako ng nagsalita si Sonny na bakit panay titig ko sa kanyang ari. Para akong napahiya sa sinabi ni Sonny. Bigla na lamang akong napatahimik at dali-dali ko ng tinapos ang paliligo.

Matapos maligo ay bumalik na kami sa kwarto at matapos patuyuin ang aming sarili ay nagyaya ng matulog si Sonny. Nahiga siyang hubo’t hubad at ako naman ay nahiya na ring humiram ng damit na pantulog kaya nahiga na rin akong hubo’t hubad sa tabi ni Sonny. Di ako makatulog ng gabing iyon na nasa isipan ko pa rin ang nakita ko sa loob ng banyo. Tahimik at madilim sa loob ng kwarto kaya di ko alam kung gising pa si Sonny. Napukaw ang katahimikan ng magsalita si Sonny na akala ko ay tulog na. Tinanong niya ako kung bakit di pa ako natutulog at kung ano ang gusto kong gawin. Di ko alam ang isasagot ko sa mga sandaling iyon kaya tumahimik na lang ako. Kinuha niya ang isang kamay ko at ipinanghimas niya iyon sa ari niya. Naging sunudsunuran lang ako sa kanya. Nag-init ang aking buong katawan at ang mga sumunod na hakbang ay ako na ang kusang gumawa.

Sinimulan ko siyang halikan sa mga labi, tapos sa dibdid hanggang bumaba sa kanyang ari. Kahit di ko alam gawin iyon ay nagawa ko iyon kay Sonny. Ibang kaligayahan ang nadama ko sa mga oras na iyon. At alam ko na nasarapan din si Sonny dahil panay ang ungol niya habang ginagawa ko iyon. Sa tingin ko ay pareho kaming naligayan sa gabing iyon. Dahil sa pagod at kalasingan sa alak at kaligayahan ay tanghali na kaming nagising. Dali-dali akong tumawag sa bahay at baka nag-aalala na ang aking mga magulang dahil sa di ko pag-uwi ng gabing iyon. Matapos kumain ay inihatid na ako ni Sonny sa aming bahay.

Nang magkita kaming muli ni Sonny ay nag-sorry ako sa kanya sa nagawa ko. Sinagot naman niya ako na di dapat ako mag-sorry dahil ginusto rin niya iyon. Sinabi pa niya na kung gusto ko raw uli ay okey lang sa kanya dahil itinuturing niya akong matalik na kaibigan at kahit man lang sa ganoon paraan ay mapaligaya niya ako. Naulit pa ng ilang beses ang nagyari sa aming dalawa na walang ibang nakakaalam kundi kaming dalawa lamang. Pati mga friends namin ay di nagduda na may nagyayari na sa aming iba. Di nga sila nagtataka kung bakit madalas kaming magkasama ni Sonny.

Natigil lang ang pagkikita namin ni Sonny ng magtrabaho na ako sa Manila. Pero di pa rin niya nakakaligtaan na tawagan ako sa phone meron man o wala siyang problemang sasabihin. Sa phone din niya inamin sa akin na napamahal na daw ako sa kanya at kung siya lang ang masusunod ay hindi siya lalayo sa akin. Subalit nakatakda na palang magtungo si Sonny sa US upang makapiling na niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Isang araw bago ang kanyang pag-alis ay muli kaming nagkita. Isang buong araw ang aming pamamasyal, nanood pa kami ng sine at kumain pa sa masarap na restaurant. Sa gabi naman ay muli akong napaligaya ni Sonny. Sa paghihiwalay namin ng gabing iyon ay muli niyang sinabi na sa akin niya natutunan ang magmahal at di niya ako malilimutan hang siya’y nabubuhay. Nais ko mang lumuha ay pinigilan ko iyon subalit di napigilan ni Sonny ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nang maghiwalay na kami ay di kon na napigilan ang aking pagluha hanggang makarating ako sa aking tinutuluyan.

Ngayon ay nasa US na siya at malapit ng ikasal sa girlfriend niyang Fil-American. Doon na siya maninirahan kasama ang mga parents at mga kapatid niya. Iyon daw ang hinihintay niyang sandali na magkakasama silang muli ng kayang buong pamilya. Naging masakit sa akin ang tuluyang paghihiwalay namin ni Sonny pero inisip ko na rin na iyon talaga ang magpapaligaya kay Sonny ang makapiling ang kanyang pamilya. Alam ko na balang araw ay makakatagpo rin ako ng isang magmamahal sa akin just like Sonny.

- W A K A S -