Wednesday, October 29, 2008

Professor Angelo (Unang Bahagi)

Si Angelo ay isang typical na binata na may masaya at maayos na buhay. May girlfriend. May mapagmahal na mga magulang at mga kapatid. Meron din siyang maayos na hanapbuhay bilang isang professor sa isang pamantasan sa Metro Manila. At kahit sa isang engineering department nagtuturo si Angelo na kung saan mabibilang lamang ang mga estudyanteng babae ay maraming kababaihang estudyante sa pamantasang iyon ang nagkakagusto sa kanya dahil sa angking kagandahang lalaki at matipunong pangangatawan. At dahil halos kasing edad nya lamang ang mga estudyante niya ay mas madalas pa siyang makihalubilo sa kanyang mga estudyante kaysa sa mga kasamahan niyang professor sa tuwing bakante ang schedule niya.

Masaya si Angelo sa relasyon niya sa kanyang kasalukuyang girlfriend. Kahit madalas nitong pagselosan ang mga babaeng estudyante na nagpapacute kay Angelo sa tuwing may masasalubong sila. Isa rin teacher ang kanyang girlfriend na nagtuturo naman sa grade school department sa pamantasan din na iyon. Ganoon pa man ay napapaliwanagan pa rin ito ni Angelo at talaga namang tapat siya sa kanyang girlfriend. Maganda din naman ang kanyang girlfriend at matalino pa. Kaya naman maswerte din si Angelo sa kanyang girlfriend. Halos araw-araw ay magkasama ang dalawa. Sabay sa pagkain ng meryenda. Sabay din sa pagkain sa tanghalian. Sabay din sa pag-uwi dahil laging inihahatid ni Angelo ang kanyang girlfriend sa tinitirahan nito.

Dahil sa maganda ang performance ni Angelo bilang professor kahit na 2 taon pa lamang siyang nagtuturo ay ginawang siyang adviser at instructor ng isang 5th year class sa kanilang thesis subject. Hawak niya ang isang section ng 5th year class na nagkataon naman na kinabibilangan ng mga pasaway na estudyante at mga repeaters. Kabilang din ang mga varsity player ng unibersidad na iyon sa klase ni Angelo. Wala naman problema kay Angelo kahit sino pa ang kanyang mga estudyante kaya naman buong puso niyang tinanggap ang bago niyang assignment na ito at inihanda niya ang kanyang sarili na hawakan ang klaseng ito sa loob ng dalawang semester.

Sa unang araw ng klase ay kinilala ni Angelo ang lahat ng kanyang mga estudyante. Syempre unang araw pa lamang kaya bigayan lamang ng classcards ang inaasahang gagawin ng kanyang mga estudyante. Subalit sinamantala iyon ni Angelo upang isa-isa niyang makilala ng lubusan ang kanyang mga estudyante. Sa unang araw din ay pinahiwatig na ni Angelo ang kanyang pagiging istrikto at ang kanyang layunin sa klase na makakapagtapos silang lahat sa darating na Marso. Dalawang semester ang kanilang pagsasamahan kaya hiningi niya ang cooperation ng klase upang matupad nilang lahat ang mithiin na makapagtapos na sila sa college.

Sa unang araw din ay nakitaan na niya ang kakulitan ng dalawang varsity player ng basketball team na sina Sonny at Vlady. Kapwa matatangkad ang dalawa at dahil puro basketball ang inaatupag ay makikitaan din sila ng kagandahan ng katawan. Kapwa din sila may angking kagandahang lalaki. Subalit mas nakalalamang si Sonny dahil anak mayaman ito at flawless ang kanyang kutis. Samantalang si Vlady ay laking probinsya at galing sa pangkaraniwang pamilya lamang. Si Vlady naman ang mas pasaway sa dalawa. Kahit ganoon pa man ang dalawa ay naipakita pa rin ni Angelo na siya ang teacher nila at dapat siyang respetuhin.

Sa ikalawang araw ng klase nila ay isinabak na ni Angelo ang kanyang klase sa mga research work para masimulan na nila ang kanilang thesis writing. Umalma ang klase ng sabihin ni Angelo na sa susunod na Linggo nila isusumite ang kanilang na-research. Lalong lalo na sina Sonny at Vlady dahil abala na sila sa pag-eensayo sa nalalapit nilang tournament. Hindi pinakinggan ni Angelo ang mga reklamo ng kanyang mga estudyante. Sa halip ay binuksan niya ang kanyang sarili at oras upang malapitan nila kahit hindi na oras ng klase para sa kanilang mga katanungan o para doon sa hindi nila maintindihan. Ang dalawang varsity player naman ay hiningi ang address ni Angelo upang sa bahay na lang sila ni Angelo pupunta kapag nalibre sila sa kanilang ensayo. Ipinaalam naman ni Angelo ang kanyang address sa dalawang ito at sa kanyang buong klase na rin.

Simula noon ay naging abala si Angelo sa kanyang klase. Halos lahat ng bakanteng oras niya sa school ay napupunta lamang sa pagharap niya sa mga estudyante niyang 5th year. Isang Sabado naman ng gabi ng gambalain nina Sonny at Vlady si Angelo sa bahay nito upang magtanong tungkol sa kanilang research work. May lakad sana sina Angelo at ang kanyang girlfriend. Subalit ipinagpaliban muna niya ito upang mapagbigyan ang dalawa niyang estudyante. Laking pasasalamat naman ng dalawa ng matulungan sila ni Angelo sa kanilang research work. Nang oras na ng submission ay nakapag-submit naman ang lahat. Ganoon pa man ay naging disappointed si Angelo dahil halos wala sa klase niya ang nakagawa ng maayos na report.

Inisa-isa ni Angelo ang mga mali o pagkukulang ng kanyang mga estudyante. Ang mga ito rin ang ginamit niya upang maituro sa kanyang klase ang lahat ng dapat nilang gawin. Matapos niyang gawin iyon ay binigyan na naman niya ng research work ang kanyang klase. Naging abala na naman siya sa pagharap sa kanyang mga estudyante sa oras na bakante siya. Pati na rin sa kanyang tirahan ay dinadalaw na rin ng kanyang mga estudyante. Dahil dito ay nawalan na siya ng oras sa kanyang girlfriend. Kahit ganoon na nga ang nangyayari ay naging-dedicated pa rin siya sa kanyang klase. Pilit pa rin siyang inintidi ng kanyang girlfriend.

Nagbunga naman ang pagtitiyaga ni Angelo sa kanyang klase. Lahat ay na-meet ang kanyang expectations. Yun ang hinihintay na pagkakataon ni Angelo upang ibigay sa kanyang mga estudyante ang mga topic na gagawin nilang thesis. Para hindi magkagulo ang klase ay minabuti ni Angelo na bunutan ang gagawin nila kung anong topic ang magiging thesis ng isa’t isa. Simula ng araw na iyon ay naging abala ang klase sa kanikanilang thesis work. Gayun din si Angelo na mas higit na naging abala sa pagtanggap ng katanungan ng kanyang mga estudyante.

Sa pagiging abala ni Angelo ay nawalan na siya ng panahon sa kanyang girlfriend. Pati kasi weekends ay napupunan din ng pakikiharap sa kanyang mga estudyante lalong lalo na kina Sonny at Vlady. Ito ay naging sanhi na ng pag-aaway nilang dalawa. Na kinalaunan ay nag-decide sila na mag-cool-off. Nang malaman ito nina Sonny at Vlady ay pinilit nila ang kanilang professor na isama sa isang gimik nila upang malibang naman. Kaya naman ng matapos sila sa kanilang mga katanungan kay Angelo ay isinaman nila ito sa isang club na paboritong puntahan ng dalawa. Iyon na rin ang naging simula ng pagiging malapit ni Angelo sa dalawa at ang madalas niyang pagsama sa mga ito.

Kahit naging malapit sina Sonny at Vlady kay Angelo ay hindi nila ito inabuso. Naging barkada man ang turingan nila ay nirerespeto pa rin nila si Angelo lalo na sa loob ng unibersidad. Ang madalas ng pagsama ni Angelo sa dalawang ito ay nakarating din sa kaalaman ng girlfriend ni Angelo. Ang dating cool-off na kasunduan ng dalawa ay nauwi sa tuluyang hiwalayan. Lubusang dinamdam ito ni Angelo. Subalit naibsan ang kalungkutan ni Angelo dahil sa dalawang bago nitong barkada.

Nang matapos ang semester na iyon ay natuwa ang dean ng kanilang college dahil maayos ang mga thesis book na nai-submit ng mga estudyante ni Angelo. Hindi man ito kinabibilangan ng mga matatalinong estudyante ng college na iyon ay hindi ito nagpahuli sa isinumite ng mga dean’s listers. Ikinatuwa naman ito ni Angelo. Pati ang buong klase niya ay natuwa din sa resulta ng unang bahagi ng kanilang thesis. Sapat ng maging dahilan iyon upang magdiwang ang buong klase. Nagsaya ang buong klase sa isang club na napakasunduan nilang puntahan. Pinangunahan ito ni Sonny na siyang pinakamayaman sa mga estudyante. Siya rin ang pinakamalaking naiambag sa contribution ng klase para sa pagdiriwang nilang iyon.

Naging masaya ang buong klase ng gabing magdiwang sila. Subalit muntik ng walang makapansin sa kakaibang mood ni Sonny ng gabing iyon. Kahit ang kaibigan nitong si Vlady ay hindi napansin iyon. Marahil dahil sa beer na kanilang iniinom at sa masayang kwentuhan ay hindi nila napansin ang kakaibang Sonny ng gabing iyon. Hindi ito nakaligtas sa mga mata ni Angelo. Habang nagkakasiyahan ang grupo ay hindi muna nag-usisa si Angelo kay Sonny. Hinintay muna niyang matapos ang kasiyahan. Nagpaiwan muna sina Angelo at Sonny upang ayusin ang kanilang bill. Nais din sana magpaiwan ni Vlady subalit nakiusap si Angelo na mauna na siya.

Matapos bayaran ang bill nila ay lumipat ng isang mas tahimik na lugar sina Sonny at Angelo. Doon inusisa ni Angelo si Sonny sa bumabagabag sa kanya. Napag-alaman ni Angelo na nagdaramdam pala ito sa kanyang mga magulang. Nang malaman kasi ni Sonny na maganda ang naging comment ni Angelo at ng kanilang dean sa kanyang ginawang unang bahagi ng thesis ay tuwang-tuwa siya at nais sana niyang ipagmalaki sa kanyang mga magulang iyon. Mas higit pa daw iyon sa medalyang kanyang naiiuuwi sa tuwing sumasali siya sa basketball tournament. Subalit binalewala lamang iyon ng kanyang mga magulang at sinabi pa daw na iba siguro ang gumawa ng thesis niya o kaya nabayaran ang kanyang teacher.

Palalampasin na rin sana ni Sonny iyon. Kaya lamang ang hindi niya matanggap ay ang agad na paglipad ng kanyang mga magulang sa ibang bansa upang puntahan ang kanyang dalawa pang nakatatandang kapatid at upang asikasuhin na rin ang nasimulan nilang business doon. Ilang araw na lamang kasi ay kaarawan na ni Sonny. Twenty-first birthday pa naman sana niya iyon at nais niya sana na maging espesyal ang araw na iyon kapiling ang kanyang mga magulang. Subalit hindi na matutupad ang araw ng pinapangarap niya. Nailahad niya rin kay Angelo na kahit noong bata pa siya ay hindi niya nakita ang pagkalinga na nakikita niyang ginagawa ng kanyang mga magulang sa mga nakakatandang kapatid nito. Aminado naman siya na siya ang pinakamahina ang ulo sa kanilang magkakapatid. Siya lamang ang hindi nasabitan ng medalya na tanda ng katalinuhan. Ang medalyang naiiuuwi niya dahil sa paglalaro ng basketball ay walang halaga sa kanyang mga magulang.

Dumagdag pa sa problema ni Sonny ang pakikipagbreak niya sa kanyang girlfriend nang siya ay magconcntrate sa pag-aaral at tapusin ang unang bahagi ng kanilang thesis. Puro gimik din kasi ang nais ng girlfriend niyang ito. Halos lahat na yata ng naging suliranin ni Sonny sa kanyang pamilya ay nailahad niya kay Angelo. Si Angelo naman ay naging bukas ang isipan sa lahat ng naisabi ni Sonny sa kanya. Hindi man niya nabigyan ng magandang payo si Sonny ay napaluwag naman nito ang kalooban ng estudyante ng gabing iyon. Hanggang sa mauwi rin ang kanilang usapan sa masasayang bagay. Dahil dito ay naparami ang kanilang nainom.

Hindi sanay si Angelo na makainom ng marami. Nadala lamang siya sa kwentuhan nila ni Sonny. Si Sonny naman ay sanay na sanay sa inuman dahil kaya pa rin niyang imaneho ang dala niyang kotse. Pagsakay ng dalawa sa kotse ay nakatulog agad si Angelo sa upuan nito. Kahit alam ni Sonny ang bahay ni Angelo ay minabuti na lamang niyang isama sa bahay nila si Angelo at doon na patulugin. Pagdating ng dalawa sa bahay nina Sonny ay bahagyang nagising si Angelo habang binubuhat nina Sonny at ang driver nito papasok sa bahay. Nagpumilit na ihatid na lamang si Angelo subalit hindi na pumayag si Sonny.

Iniakyat nila Sonny at ng kanyang driver si Angelo sa silid ni Sonny. Pagkalapag nila kay Angelo sa kama ay agad na itong nakatulog. Pag-alis ng driver nina Sonny ay pumasok agad si Sonny sa banyo para maligo. Matapos maligo ni Sonny ay nagsuot lamang siya ng kanyang nakasanayang suotin na bikini brief at pinatuyo niya ang kanyang buhok sa pamamagitan ng dryer. Inalis lamang niya ang sapatos at medias ni Angelo at iniayos ang pagkakahiga nito at nahiga na rin siya sa tabi ni Angelo upang matulog. Nakasanayan na ni Sonny na matulog ng naka-brief lamang kaya kahit nandoroon si Angelo ay hindi na rin siya nag suot na ano pa mang kasuotan maliban sa brief.

Tulog na tulog na noon si Sonny ng maalimpungatan si Angelo at nagising. Dahil sa konting liwanang na nagmumula sa bintana ay napansin ni Angelo ang lampshade sa tabi niya at ito ang una niyang binuksan. Medyo lumiwanag ang buong silid at noon niya napansin ang katabi niyang si Sonny na nakatihaya sa pagtulog. Isinandal ni Angelo ang kanyang likod sa head board ng kama at sinimulang pagmasdan ang apat na sulok ng silid na iyon. Di rin niya naiwasan na pagmasdan ang katabi niyang si Sonny. Mas lalo kasing lumabas ang kagandahan ng katawan ni Sonny sa suot nitong bikini brief. Kapansin-pansin din ang labis na kagwapuhan ni Sonny habang natutulog ito. Hindi tuloy napigilan ni Angelo ang paghanga sa mga katangiang iyon ni Sonny. Hanggang sa biglang magising si Sonny.

“Sir, gising pala kayo.” ang panimula ni Sonny.

“Ah, eh…. Naalimpungatan kasi ako. Nasaan ba ang CR?” ang sagot at tanong naman ni Angelo.

“Paglabas nyo ng pintuan ay yung first door sa kanan. May malinis na mga towel doon, pwede nyo rin pong gamitin.” ang sagot naman ni Sonny.

Lumabas ng silid si Angelo at tinungo ang banyo. Pagkatapos niyang umihi ay naisipan nya na ring maligo. Pagpasok niya muli ng silid ni Sonny ay nakatapis lang ito ng tuwalya. Gising pa rin si Sonny ng mga sandaling iyon kaya inabutan niya ng shorts at t-shirt ang kanyang professor.

“Sorry sir, baka hindi ka sanay magsuot ng ganitong brief kaya hindi na kita pahihiramin.” ang biro ni Sonny kay Angelo.

“Okey na itong shorts lang at presko ang pakiramdam ko. Kapag nagsuot ako ng ganyang ay baka magbading ka pa sa kaseksihan ko.” ang biro naman ni Angelo.

Natawa lamang si Sonny sa sinabi ng kanyang professor. Agad din natulog si Sonny. Si Angelo naman ay umupo lamang sa tabi ni Sonny at isinandal ang likuran sa head board. Ilang minuto lang ang nakalipas ay muling nahimbing sa pagtulog si Sonny. Si Angelo naman ay hindi na dinalaw ng antok. Sa pamamagitan ng liwanang na nagmumula sa isang lampshade ay napagmasdan ni Angelo ang buong katawan ni Sonny. Ni wala siyang napansin na pilat saan mang parte ng katawan ni Sonny. Nang muling tumihaya si Sonny ay tumambad sa paningin ni Angelo ang nakabukol sa harap ng brief ni Sonny. Kapansin-pansin na ito dahil parang gusto na itong kumawala sa loob ng brief dahil tigas na tigas na ito.

Hindi naiwasan ni Angelo na titigan iyon. At habang tinitigan niya iyon ay biglang napakamot sa bandang gilid ng kanyang ari si Sonny at ipasok niya sa loob ng brief niya ang kanyang kamay. Naging sanhi nito ang paglabas ng pinakaulo ng ari ni Sonny. Nabigla si Angelo sa nakita. Meron din siya ng ganoon pero bakit kakaiba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Nang alisin ni Sonny ang kamay niya sa loob ng kanyang brief ay nanatili ang garter ng brief niya na bahagyang nakababa at nakadungaw pa rin ang alaga ni Sonny.

- I T U T U L O Y –