Sunday, November 9, 2008

Professor Angelo (Ikatlong Bahagi)

Nang matapos ang eksena nilang iyon ay naligo na si Sonny. Sumunod ding naligo si Angelo pagkatapos ni Sonny. Habang naliligo si Angelo ay binayaran na ni Sonny ang bill nila sa silid na iyon. Nang makapag-ayos na silang dalawa ng kanilang mga sarili ay umalis na rin sila agad. Inihatid ni Sonny si Angelo sa tirahan nito. Pagkababa ni Angelo sa kotse ay iniabot na lamang ni Sonny ang isang liham. Hindi na rin bumaba ng kotse si Sonny at nagpaalam na siya agad kay Angelo.

Tuwang-tuwa si Angelo ng pumasok siya sa kanilang bahay. Pagkapasok niya sa kanyang silid ay agad niyang binasa ang liham ni Sonny.

“Sir Angelo. Salamat sa lahat ng kabutihan ninyo sa akin at sa aking kaibigan. Salamat sa panahon na ginugol ninyo sa amin upang matupad namin ang aming pangarap na makapagtapos sa aming kurso. Subalit hindi iyon sapat upang suklian ko iyon ng ninanais mong pagmamahal mula sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong ibayad sa iyo. Kaya naisip ko na lamang na ipaubaya ang aking katawan sa araw ng iyong kaarawan. Sana naging masaya ka ng makuha mo ang aking katawan. Wala pang ibang lalaki ang nakagawa sa akin ng ganoon. Ikaw pa lamang ang gumawa sa akin ng ganoon. Noong una mong gawin sa akin iyon ay nagdulot iyon ng poot at sama ng loob dahil pinagkatiwalaan ko kayo pero iyon pa ang ginawa ninyo sa akin. Ngayon, patas na tayo. Wala na akong utang na loob sa inyo, Dahil kabayaran ng lahat ng mabuting nagawa mo sa akin ang aking katawan. Paalam na Sir Angelo. Sana huwag mo ng gawin iyon sa magiging estudyante mo pa.”

Naluha na lamang si Angelo sa kanyang nabasa. Akala niya ay tuluyan na siyang magiging masaya. Labis siyang nasaktan sa nasabi ni Sonny sa kanyang liham. Talagang bumaba na ang pagtingin ni Sonny sa kanya at talagang wala itong nararamdaman kahit konti sa kanya. Hindi na nakatulog si Angelo sa nangyaring iyon sa kanya. Nais niyang sisihin ang kanyang sarili kung bakit ba nagawa niya iyon. Sinisi niya rin ang sarili kung bakit nahulog pa ang kanyang loob kay Sonny samantalang meron namang babaeng nagmamahal sa kanya. Labis na pagsisisi ang kanyang nadama. Marahil ay pagod na ang kanyang katawan at isipan sa kaiisip ng mga nangyari sa kanya kaya naman nakaidlip siya kahit papaano.

Dumating ang graduation day nina Sonny at Vlady. Subalit hindi na nag-attend si Sonny. Nagbakasyon na daw ito sa ibang bansa kasama ang kanyang mga magulang. Si Vlady naman ay laking pagmamalaki niyang ipinakilala si Angelo sa kanyang mga magulang at kapatid na nag-attend ng graduation. Nang matapos ang graduation ceremony ay niyaya ni Vlady si Angelo na sumama sa kanila sa isang munting salu-salo. Subalit kahit anong pagpupumilit ni Vlady ay hindi nakuhang sumama ni Angelo.

Kinagabihan ay laking gulat ni Angelo ng bisitahin siya ni Vlady. Nais lamang niyang pasalamatan si Angelo sa naitulong nito upang makapagtapos siya sa college. Natuwa naman si Angelo sa ginawa ni Vlady kaya nagpabili siya ng ilang bote ng beer upang ipagdiwang din ang graduation ni Vlady. Ang tig-dalawang bote ay nauwi sa apat, sa anim hangang maubos nila ang isang case na beer. Dahil sa kalasingan ay hindi na pinauwi ng mga magulang ni Angelo si Vlady. Si Angelo naman ay pumayag na doon na lamang sa silid niya matutulog si Vlady.

Dahil medyo pareho na silang nakakaramdam ng hilo ay kapwa sila inalalayan ng tatay ni Angelo papasok sa silid nito at iniwan na nakahiga sa kama. Di nagtagal ay sumunod ang nanay ni Angelo at dala-dala ang dalawang tasa ng mainit na kape. Sinabihan sila nito na inumin muna ito upang medyo mawala ang kalasingan nila. Paglabas ng nanay ni Angelo ay bumangon sila muli at ininom ang kape. Patuloy pa rin sa kwentuhan ang dalawa habang hinihigop ang mainit na kape.

“Pwede bang i-lock na natin ang pintuan. Hindi kasi ako sanay na matulog ng may damit. Sanay akong naka-brief lang matulog. Baka biglang pumasok na naman ang mga magulang mo.” ang pakiusap ni Vlady ng matapos na siyang uminom ng kape.

Tumayo si Angelo at ini-lock na ang pintuan. Si Vlady naman ay tuluyang ng naghubad ng kanyang mga damit at tanging ang itim niyang bikini brief ang iniwan niya. Matapos ay nahiga na siya sa kama ni Angelo. Si Angelo naman ay nagpalit lamang ng damit. Nagsuot siya ng bagong shorts at sando, pinatay ang ilaw at nahiga na rin katabi ni Vlady. Pagkahiga ni Angelo ay agad siyang niyakap ni Vlady at hinalikan sa kanyang mga labi. Pilit itinulak ni Angelo si Vlady subalit idinaan ni Vlady sa lakas upang hindi makapiglas si Angelo. Subalit pilit pa ring iniwas ni Angelo ang kanyang mga labi sa paghalik ni Vlady.

“Vlady, ano bang ginagawa mo?” ang tanong ni Angelo.

“Kalimutan mo na si Sonny. Naririto naman ako.” ang tugon ni Vlady.

“Ano na naman ba ito? Pambayad mo rin ng utang na loob mo sa akin?” ang mga katanungan pa ni Angelo.

“Basta gawin mo ang gusto mong gawin sa akin. Lahat ay ibibigay ko ng buong puso ko.” ang nasabi ni Vlady at pilit pa ring hinahalikan si Angelo.

“Pwes, tatanggapin ko ang kabayaran mo kung iyan ang gusto mo.” ang naging tugon ni Angelo at nagpaubaya na siya kay Vlady.

Siniil ng halik ni Vlady sa Angelo sa labi hanggang sa leeg. Nang mga sandaling iyon ay tinalaban na rin si Angelo kaya hinubad niya muna ang kanyang sando at shorts at pinagtuunan na niya ang panahon ang paghalik kay Vlady. Gumanti siya sa paghalik sa mga labi ni Vlady. Pababa sa dibdid ni Vlady hanggang sa makarating sa may garter ng brief ni Vlady. Dahan-dahan niyang ibinaba ang itim na brief ni Vlady at sa mga sandaling iyon ay semi-erect na ang ari ni Vlady. Makapal ang buhok na nakapaligid dito at pati ang bayag ni Vlady ay meron ding ilang hibla ng buhok. Sinimulang dilaan ni Angelo ang ulo ng ari ni Vlady at iyon ang naging sanhi ng pagtigas nito ng tuluyan. Mahaba at may katabaan ang ari ni Vlady. Kahit may kaitiman ito ay malinis tignan dahil halos walang malalaking ugat dito.

Pinaglaruan iyon ng bibig ni Angelo pati ang mga bayag ni Vlady. Halos mapaungol ng malakas si Vlady sa ginagawa sa kanya ni Angelo. Subalit bago pa tuluyang labasan si Vlady ay pinatigil muna niya si Angelo at pinaayos ng higa upang maabot ni Vlady ang ari ni Angelo dahil dapat daw ay sabay silang labasan. Nagpatuloy sa pagsuso ng ari ni Vlady si Angelo. Samantalang si Vlady naman ay sinalsal ang ari ni Angelo. Hanggang sa mapaunat ang mga paa ni Vlady na hudyat na malapit na siyang labasan. Nang mga sandaling iyon ay napatigil siya sa pagsalsal ng ari ni Angelo. Di nagtagal ay nilabasan na si Vlady. Biglang pinigilin ni Vlady na mailuwa ni Angelo ang ari niya. Kaya naman sa loob ng bibig ni Angelo lumabas ang lahat ng katas ni Vlady. Wala ring nagawa si Angelo kundi lunukin ang lahat ng katas ni Vlady. Nang matapos labasan si Vlady ay muli niyang pinaayos ang paghiga ni Angelo. Sa sandaling ito ay hinalikan niyang muli ang mga labi ni Angelo at nalasahan din niya ang kanyang sariling katas sa kanyang paghalik. Sinabay din niya sa kanyang paghalik ang pagsalsal ng ari ni Angelo. Hindi nagtagal ay nilabasan na rin si Angelo. Matapos labasan ni Angelo ay kinuha niya ang kanyang sando at ipinampunas iyon sa kanyang katawan at sa palad ni Vlady kung saan kumalat ang kanyang katas.

Matapos nilang gawin iyon ay bigla na lamang silang nanahimik at di nagtagal ay kapwa na nakatulog. Nagising na lamang ang dalawa sa mga katok na nagmumula sa pintuan. Buti na lamang at naka-lock iyon kundi ay madadatnan silang hubo’t hubad na natutulog. Agad silang nagbihis at lumabas ng silid. Matapos kumain ng almusal at ayusin ang sarili ay nagpaalam na rin si Vlady.

Makaraan ang ilang araw ay tuwang-tuwa si Vlady dahil nakapirma na siya ng isang kontrata sa isang non-professional basketball team upang makapaglalaro siya ng dalawang taon sa koponang ito. Agad naman ipinaalam ni Vlady iyon kay Angelo. Naging malamig na ang pagtanggap ni Angelo kay Vlady.

“Di ka ba masaya at matutupad ko na ang pangarap ko na makapaglaro sa isang team? Ito na ang susi ko para makapasok pa sa isang professional basketball team.” ang tanong ni Vlady kay Angelo.

“Sino ba ako sa buhay mo Vlady? Tapos na ang pagiging teacher ko sa iyo. Graduate ka na.” ang naging tugon ni Angelo.

“Pero magkaibigan pa naman tayo, di ba?” ang sunod na naitanong ni Vlady.

“Pwede ba tapusin na natin ito. Wala ka ng kailangan sa akin dahil graduate ka na. Kung may utang na loob ka sa akin, tinanggap ko na ang kabayaran mo noong gabing may nangyari sa atin.” ang pagpupumilit ni Angelo.

“Ganoon na lang ba iyon? Ibahin mo ako sir Angelo. Di ko tulad si Sonny. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon. Pero sigurado ako na hindi iyon kabayaran sa utang na loob ko sa iyo. Ewan ko pero bukal sa loob ko iyon. Higit sa lahat ay masaya ako sa nangyari. Siguro nga ay may pagtingin na rin ako sa iyo.” ang paliwanag ni Vlady.

“Vlady, kahibangan ang ginawa natin, ang ginawa namin ni Sonny. Alam naman natin na ang lalaki ay para sa babae. Si Sonny ay walang pagpapahalaga sa akin dahil sa isang babae niya inilalaan ang kanyang pagmamahal. Ikaw din. Lalaki ka kaya. Sa babae mo na lang iukol ang iyong pagtingin.” ang dugtong pa ni Angelo.

“Isa pa pala. Huwag mo na akong tawaging sir Angelo. Hindi na kita estudyante. Okey ba yun?” ang nasabi pa ni Angelo.

Nagpatuloy pa sa pagsusumamo si Vlady na kahit man lamang ang kanilang pagkakaibigan ay panatilihin nila. Subalit nagsawalang kibo na lamang si Angelo at hindi na pinansin ang ano mang pakiusap ni Vlady. Naging hudyat iyon ng pagpapaalam na ni Vlady. Parang gumuho ang mundo ni Vlady ng lisanin niya si Angelo. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang sama ng loob niya ng tanggihan siya ni Angelo sa kanyang mga pakiusap. Mahal na nga ba niya si Angelo o naaawa pa rin siya sa dating teacher dahil sa nagawa dito ng kanyang matalik na kaibigan. Naghalong sama ng loob at pagtataka ang bumalot kay Vlady habang papalayo kay Angelo.

Si Angelo naman ay nalungkot din ng maalaala niya ang mga nasabi niya kay Vlady. Hindi rin siya sigurado kung tama nga ang kanyang ginawa kay Vlady. Marahil ay natakot na siyang muling mangyari ang ginawa sa kanya ni Sonny. Inisip niya rin na noong umiibig pa siya sa isang babae ay hindi siya nagkaproblema ng ganoon. Subalit ng minsan siyang ma-involve sa isang kauri niya ay labis siyang nasaktan. Kaya marahil ay nagdadalawang isip siya kung pakikinggan muli niya ang kanyang damdamin.

Lumipas pa ang mga araw at naging tahimik naman ang pamumuhay ni Angelo. Nababalot man ng kalungkutan ang bawat araw ni Angelo ay nakukuntento na naman siya dahil wala ng bumabagabag sa kanyang kalooban. Ganoon pa man ay hindi pa rin maiwaglit sa kanyang isipan si Vlady. Hanggan isang araw ay naisipan niyang bisitahin si Vlady sa practice nito ng basketball. Gumawa ng paraan si Angelo upang malaman kung saan nagpa-practice si Vlady. Pinuntahan niya ito at nagkataon namang nakasalang na sa isang practice game si Vlady. Dahil kakaunti ang nanonood sa practice nilang iyon, napansin agad ni Vlady si Angelo ng pumasok ito sa loob ng gym. Di maipaliwanang ni Vlady ang tuwang nadama ng makita niya si Angelo. Sa tuwing mag-sho-shoot ng bola si Vlady ay swak na swak ito. Nang matapos ang ensayo nina Vlady ay agad niyang pinuntahan si Angelo sa kinauupuan nito.

- I T U T U L O Y -