Saturday, November 8, 2008

KWENTO NI JOMED (Ikalawang Bahagi)

Kumakain na kami ng aming hapunan ng kumatok si Dindo sa bahay upang magpaalam.

“Aalis na po ako. Sige Jomed papasok na ako.” ang paalam ni Dindo habang nakatayo sa tapat ng bukas na pintuan.

“Magkakilala na pala kayo ng anak ko.” ang nasabi naman ni Papang.

“Opo. Nagkakwentuhan na rin po kami kanina.” ang nasabi naman ni Jomed.

“Halika muna iho. Marami naman itong nailuto ko. Samahan mo na rin kami sa pagkain.” ang alok ni Mamang kay Dindo.

“Hindi na po. Doon na lang po ako sa restaurant na pinapasukan ko kakain.” ang pagtanggi ni Dindo.

“Halika ka na. Kain ka muna bago ka umalis.” ang alok ko din kay Dindo.

“Oo nga naman. Sige na. Huwag ka ng mahihiya.” ang pagsegunda naman ni Papang.

Sa wakas at napapayag din namin si Dindo na samahan kami sa pagkain. Tumabi siya sa akin sa hapagkainan. Ang bango-bango ni Dindo. Lutang na lutang ang kagandahan ng kanyang katawan sa hapit na t-shirt na suot niya. Hindi man artistahin ang kagwapuhan ni Dindo ay meron itong kakaibang sex appeal na napakalakas ng dating sa mga katulad ko. Halos gusto ko na siyang yapusin sa harap ng aking mga magulang.

“O kailan ka ba babalik sa school? Mukhang naka-ipon ka na rin sa paggiging waiter mo.” ang naitanong ni Mamang kay Dindo.

Talaga palang hindi alam nina Mamang ang tunay na hanapbuhay ni Dindo.

“Hindi ko pa ho kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kapag tama na po ang ipon at maluwag na sa trabaho ay susubukan ko rin po makabalik sa school.” ang naisagot ni Dindo.

“Basta huwag mo kalilimutan na makapagtapos ng pag-aaral. Tignan mo nga ang mga anak ko. Wala na kaming problema sa kanila. Kahit papaano ay naigapang namin ang pag-aaral nila.” ang nabanggit naman ni Papang.

“Salamat po sa pangaral. Hayaan nyo po basta okey na po ang lahat ay mag-aaral akong muli.” ang nasabi naman ni Dindo.

“Huwag nyo naman i-pressure ng ganyan si Dindo. Naaalala ko tuloy kung paano nyo kami pinalaki ng aking mga kapatid. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit kayo ganoon noong nag-aaral pa lamang kami.” ang nasabi ko naman.

“Maswerte ka nga at may magulang kang nagpaaral sa iyo.” ang nasabi na lamang ni Dindo.

“Simula ng tumira kami dito ay para na rin naming mga magulang ang iyong mga magulang.” ang dugtong pa ni Dindo.

“Wala iyon iho. Mabait naman kayong dalawa ni Bernard. Kaya para na rin naming kayong mga anak.” ang nasabi naman ni Mamang.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na rin si Dindo. Interesado sana akong samahan si Dindo sa pinapasukan niyang bar. Kaya lamang ay hindi ko alam ang aking gagawing dahilan sa aking mga magulang. Baka hindi rin nila ako payagang umalis dahil sa tagal na rin naming hindi pagkikita. Nabanggit din ni Papang na dadadaan ang aking isa pang kapatid upang makita ako. Kaya sigurado ako na hindi ako papayagan.

Ganoon na nga ang nangyari. Magdamagang kwentuhan ang naganap sa aming tatlo kasama pa ang kapatid ko at ang kanyang asawa. Kung hindi pa makakaramdam ng antok sina Mamang at Papang ay hindi matitigil ang aming kwentuhan.

Kinabukasan ay muli akong naiwan sa bahay. Pumasok pa rin kasi ang aking mga magulang kahit nandoroon na ako. Talagang mahal nila ang kanilang mga trabaho at hindi nila nakuhang mag-leave man lamang kahit isang araw. Nabagot ako sa loob ng bahay dahil wala naman akong makausap. Sina Dindo at ang kasamahan niya ay tiyak na tulog pa sa mga oras na iyon. Kaya naman napilitan akong maglakad-lakad sa labas ng bahay. Buti naman at may nakita akong dating kababata at siya ang nakausap ko hanggang pananghalian. Doon na rin ako sa bahay ng aking kababata pinakain.

Pag-uwi ko kinahapunan ay tila tulog pa rin ang mga nangungupahan sa likod ng bahay namin. Pinilit kong makaidlip subalit hindi talaga ako dalawin ng antok. Binuksan ko na lamang ang TV at nanood ng palabas. Maya’t maya pa ay dumungaw sa may harapang pintuan ng bahay si Dindo at may kasama siya.

“Pwede bang makinood?” ang bungad ni Dindo.

“O Dindo pasok kayo.” ang alok ko naman.

“Tol si Bernard pala. Yung kasamahan ko dyan sa kwarto at kasamahan ko din sa club.” ang pakilala ni Dindo sa kasamahan niya.

Isang mestizong lalaki na may taas na hindi bababa sa 5’ 8” ang pinakilalang iyon ni Dindo sa akin. Kung ikukumpara ko silang dalawa ay lamang na lamang si Bernard kay Dindo.

“Hi Bernard. Jomed pala ang name ko.” ang pakilala ko naman kay Bernard.

“Ikaw pala yung naikwento sa akin ni Dindo.” ang maikling nasabi ni Bernard.

Medyo namutla ako sa aking narinig. Baka pati kasi yung nangyari sa amin ni Dindo ay naikwento nya na rin. Napansin pala ni Dindo ang reaction ng aking mukha.

“Don’t worry ‘tol tulad ka rin yan. Malihim din. Hindi nya mababanggit sa mga magulang mo.” ang nasabi naman ni Dindo.

Sa nasabing iyon ni Dindo ay nagpatunay lamang na tama nga ako. Naikwento na rin ni Dindo ang nangyari sa amin kahapon.

“Pwede bang makiupo?” ang tanong ni Bernard.

“Sure. Upo kayo. Gusto nyo ba ng juice?” ang alok ko na naman sa kanila.

“Wag na ‘tol. Kakakain lang namin. Magpapabawas lang ng kinain namin tapos gagayak na rin kami sa pagpasok.” ang tugon naman ni Dindo.

“Ang aga nyo naman yata aalis?” ang tanong ko naman.

“Big night sa club. May konting rehersal pa kami. Baka gusto mong manood ng show namin?” ang tugon ni Bernard at alok na rin sa akin.

“Mahirap magpaalam sa mga matatanda. Sabik pa sila sa akin na makakwentuhan.” ang pagtanggi ko sa alok ni Bernard.

“Akong bahala. Ako ang magpapaalam para sa iyo.” ang nasabi naman ni Dindo.

“Huwag na pare. Mahihiya din akong pumasok sa ganoong club.” ang nasabi ko naman.

“Hindi ka naman halata ‘tol. Mukha ka rin ngang callboy. Basta kaming bahala sa iyo.” ang pagpupumilit ni Dindo.

Kinagabihan ay ipinagpaalam ako ni Dindo. Mukhang nakuha na nga ang loob ng aking mga magulang ni Dindo. Ni hindi sila nagdalawang isip na pumayag na makalabas ako ng gabing iyon.

Sa pagpasok namin sa loob ng club ay napagkamalan pa akong aplikante para maging macho dancer o callboy ng kanilang manager.

“Bago yang kasama nyo. Pasadong pasado na sya.” ang biglang nasabi ng bading na manager kina Dindo at Bernard.

“Mama, kaibigan lang po namin si Jomed. Hindi ho siya pumapasok sa club na ito. Isinama lang namin para maaliw naman dito sa club natin.” ang nasabi naman ni Dindo.

“Akala ko eh bago. Mukhang magiging best seller siya kung papasok siya dito.” ang nasabi pa ng bading na manager sabay sapo sa aking harapan.

Hindi ko iyon agad naiwasan kaya nasapo niya ang aking harapan. Naka-slacks ako noon kaya tiyak nadama niya ang aking pagkalalaki.

“Sabi ko na nga ba may ipinagmamalaki itong kaibigan ninyo.” ang biglang bulalas ng bading na iyon.

“Ayaw mo ba talagang maging callboy dito?” ang tanong na sa akin ng bading na iyon.

“Hindi ho talaga. Naiinip lang ako sa bahay kaya sumama ako sa mga kaibigan ko.” ang tugon ko na lamang.

“Ikaw din. Sayang ang limpak-limpak na salaping ibabayad sa iyo ng mga magiging customer mo.

“Hindi po talaga.” ang pagtanggi ko pa rin.

Iniwan din kami ng bading na manager. Hanggang sa dressing room ng mga macho dancer ay pinapasok ako nina Dindo at Bernard. Ipinakilala din nila ako sa mga nandoroon ng mga macho dancer. Hindi lahat ay kagwapuhan sa mga nakilala ko doon. Subalit puro magaganda ang mga katawan. Yung mga naka-maikling cycling shorts ay kapansin-pansin ang kalakihan ng kanilang kargada. Iyon naman yata ang mga dapat na katangian ng isang macho dancer. Tumaas na naman tuloy ang level ng aking pagkakagusto sa kapwa ko lalaki. Ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na sila para sa isang ensayo.

“Hoy, labas na daw dyan. Kailangan na daw natin mag-ensayo at malapit ng magbukas ang club.” ang sigaw ng isang kasamahan nina Dindo.

“Tol doon ka na rin muna sa labas. Panoorin mo muna ang ensayo namin.” ang nasabi naman ni Bernard sa akin.

Naupo ako sa may bar ng club na iyon. Tinabihan ako ng bading na manager pero hindi na ako kinakausap. Pareho naming pinanood ang ensayo ng mga macho dancer doon. Mukhang isa si Bernard sa mga star dancer ng club na iyon. Meron kasing isang dance number sila na parang siya ang bida. Hindi ko gaanong mahulaan kung anong klaseng performance nila sa gabing iyon. Pawang nakadamit naman ang mga macho dancer na nag-eensayo. Pati ang paggiling nila ay parang walang kalatoy-latoy. Hindi tuloy ako ginaganahan na panoorin sila.

“Boys mamaya ay todo bigay nyo na. Walang maeenganyo sa inyong mai-table kayo kung ganyan kayo gumiling. Basta mamaya galingan ninyo. Pahinga na kayo at magbubukas na ang club.” ang nasabi ng bading na choreographer nila.

Muling pumasok ang mga macho dancer sa dressing room sa likuran. Sinenyasan ako ni Dindo na sumunod din sa kanila. Nagpahinga lamang sandali ang mga macho dancer, nagpalit ng damit at lumabas muli sa dressing room.

“O bakit balot na balot pa ang mga kasamahan ninyong lumabas?” ang tanong ko kina Dindo.

“Mamaya pa naman ang show. Magpapatable muna sila para may kikitain din sila ngayong gabi.” ang tugon naman ni Bernard.

“Eh kayo bakit hindi pa kayo lumabas?” ang tanong ko na naman.

“Mamaya na. Wala pa naman gaanong customer.” ang nasabi ni Dindo.

Biglang pumasok sa dressing room ang manager ng club na bading.

“Sinong sasayaw muna sa entablado? Marami-rami na rin ang customer.” ang naitanong ng bading na iyon.

“Sige Mama ako na lang at si Michael.” ang sagot ng kasamahan nina Dindo.

“Sino pa?” ang tanong muli ng bading.

“Sige Mama ako rin.” ang sagot naman ni Dindo.

“O sige magpalit na kayong tatlo. Dalian nyo ng hindi mag-alisan ang mga customer natin.” ang nasabi naman ng bading.

Agad namang naghubad ang tatlong sasayaw sa entablado kabilang si Dindo. Walang kyeme naghubad ang tatlo kahit nandoroon ako. Mas kitang-kita ko ang tarugo ni Dindo dahil sa mismong harapan namin ni Bernard naghubad si Dindo. Nagsuot sila ng skimpy brief na itim bago isinuot ang napakaikling maong shorts na tila pinutol lamang na maong pants. Nagsuot din sila ng boots na itim. Sabay-sabay silang lumabas din ng dressing room.

“Tara sa labas. Inom muna tayo ng beer.” ang alok sa akin ni Bernard.

Naupo kami sa tabi ng bar at umorder ng beer namin si Bernard. Pinanood namin ang tatlong macho dancers na sumasayaw sa entablado. Ang galing pala ni Dindo sa pagsayaw. Ibang-iba na ang galaw niya kumpara sa kanilang ensayo kanina. Sa pagsayaw ng tatlo sa entablado ay panay pasok ng kanilang kamay sa loob ng kanilang maong short at sa loob na rin ng kanilang brief. Para nilang inaaakit ang mga customer ng club na iyon. Kahit ganun ang kanilang ginagawa ay hindi naman nila binubuyangyang ang kanilang mga sandata.

Makalipas ng ilang minuto ay biglang nagpaalam sa akin si Bernard.

“Order ka lang ng beer mo. Papalitan ko lang si Dindo sa entablado.” ang paalam ni Bernard.

“Sige. Huwag mo akong intindihin. Magtrabaho ka muna.” ang nasabi ko naman.

Naiwan akong nag-iisa sa bar. Maya’t maya pa ay umakyat na si Bernard at ilang pang kasamahan sa entablado. Sina Dindo naman at yung mga kasabay niyang sumayaw ay nagsibaba na ng entablado. Tanging itim na bikini brief ang kanilang suot-suot. Grabe din sa paggiling si Bernard. Pero yung kasabay niyang sumasayaw at halos ipakita na ang kanilang mga sandata. May pagkakataon din na ipinapakita ni Bernard ang bulbol niya. Pero hanggang doon na lamang. Yung ibang sumsayaw ay halos ipakita na ang kanilang sandata sa mga customer ng club. Mas lalo akong nalibugan sa ginagawang iyon ni Bernard at ng mga kasamahan niya.

- I T U T U L O Y -