Friday, December 5, 2008

Payong Kaibigan: Kumpare

Sa mga nagpadala sa akin ng email ay medyo kakaiba ang nais mangyari ni Nathaniel sa kwentong naisalaysay niya sa akin. Laking pagtataka ko na humihingi siya ng payo sa sitwasyon niya ngayon. Susubukan kong gawin ang lahat ng aking makakaya ay na mabigyan siya ng payong kaibigan. Kung nais n’yo rin siyang bigyan ng payo ay maari kayong magpadala ng email sa blog na ito. Naririto ang nilalaman ng kanyang e-mail.

Dear Big Boy,

Kudos Mr. Big Boy for a nice blog like this one. Buti na lamang at naisipan mong gumawa ng ganitong blog para naman kahit papaano ay may mapaglibangan ang mga tulad ko. I will admit to you that I am a bisexual person. I am a married man now with 3 daughters. The eldest is 7 years old. Then 4 years old yung pangalawa at magdadalawang taon naman ang bunso. Wala akong masabi sa aking wife na very supportive sa akin at maasikaso sa aming mga anak. She gave up her career and she’s now a plain housewife. Okey naman ang salary ko sa company na pinapasukan ko. Kaya ko naman silang suportahan kahil walang work ang aking misis.

Mahigit 8 years na kaming kasal ng aking misis sa ngayon. Nakatira kami sa minanang bahay ng aking misis dito sa Manila. Kaya naman hindi na kami bumili pa ng sarili naming bahay. Wala namang ibang gagamit ng bahay dahil nag-iisang anak lamang ang aking misis at umuwi na lamang sa kanilang probinsya ang aking mga biyenan ng mag-retire na sila sa work. Ipinaayos na lang namin ang bahay upang magmukha naman itong modelo kahit papaano.

Wala naman kaming naging malaking suliranin simula ng ikasal kami. Maliban lamang sa mga ilang tampuhan na naaayos naman kaagad. Hanggang sa makilala ko si Joshua. Dalawa pa lamang ang aking mga anak noon. Isa siyang may ari ng isang customs brokerage firm na nakilala ko ng minsan nagkaproblema ang aming shipment. Normally, mga staff ko lamang ang umaasiakso ng mga shipment namin. Subalit ng minsang nagkaroon kami ng suliranin sa customs ay ako na mismo ang nakipag-ugnayan sa customs at sa broker na sadyang kinontrata ng aming kumpanya upang asikasuhin ang suliraning iyon. Akala ko ay hanggang doon na lamang ang pagkakaroon namin ng ugnayan ni Joshua.

Isang araw kasi ay biglang dumaan sa aming opisina si Joshua. Malapit na akong mag-out sa opisina ng araw na iyon. Nang malaman ni Joshua na papauwi na ako ay niyaya niya ako na uminom kahit tig-isa lamang kaming beer. Swerte daw ako sa kanila dahil pagkatapos ng aming kontrata sa kanila ay sunud-sunod na ang pumasok na kontrata nila. Pumunta kami sa isang bar sa may Malate. Ang isang boteng beer ay nasundan pa ng isa at nasundan pa rin ng ilan. Hanggang sa hindi na namin nabilang ang aming nainom. Masaya kasi ang aming naging kwentuhan ni Joshua. Kahit noon ko pa lamang nakasama sa inuman si Joshua ay nakagaanan ko na s’ya ng loob. Iyon ang una naming pagsasama sa isang masasabi nating gimik.

Simula ng gabing iyon ay mas naging madalas na ang pagpapalitan namin ng text messages ni Joshua. Ewan ko pero hindi ko kinakatamaran ang pag-reply sa kanya sa tuwing makakatanggap ako ng text message mula sa kanya. Nang sumapit na naman ang Biyernes ay nagyaya na naman siyang gumimik. Sa hindi ko rin malamang dahilan ay agad akong pumayag. Nag-isip na lamang ako ng isang matinding dahilan upang payagan ako ng aking misis. Mas naparami ang aming nainom na beer ng gabing iyon. Hindi naman talaga ako manginginom. Pero parang nahihiya akong sabihin iyon kay Joshua. Dahil talagang over the limit na ang aking nainom ay hindi ko tuloy napigilan ang aking pagsuka ng minsang nagpunta ako sa banyo ng bar upang jumingle. Buti na lamang at sinundan ako ni Joshua at inalalayan sa aking pagsusuka.

Kahit na gaano na ako kalasing ng gabing iyon ay buo pa rin ang aking diwa. Alam ko pa rin kung ano ang ginagawa ko. Hindi ko lamang maituwid ang aking paghakbang at maisaayos ang pagkilos. Kaya marahil ay sinundan ako ni Joshua dahil nahalata niya ang aking kalasingan. Natatandaan ko pa nga ang paglabas namin ng bar na iyon at ang pag-alalay sa akin ni Joshua papasok sa isang kotse. Pagkaupo ko sa loob ng kotse ay wala na akong matandaan sa sumunod pang pangyayari. Nakatulog na kasi ako.

Nagising na lamang ako na hinahalikan na ni Joshua ang aking katawan. Nasa isang silid na kami ng isang hotel. Gusto ko sanang bumangon pero may kakaibang kiliti ang dulot sa akin ng ginagawang iyon ni Joshua. Mas lalo akong nasarapan ng isinubo na ni Joshua ang aking alaga. Sobrang sarap ng pakiramdam ko habang ginagawa sa akin ni Joshua iyon. Parang biglang nawala ang kalasingan ko. Hindi ko na rin napigilan ang aking pag-ungol na tila naging senyales kay Joshua na galingan pa ang kanyang ginagawa sa akin.

Habang ginagawa sa akin ni Joshua iyon ay biglang nanumbalik ang una kong karanasan sa ganoong klaseng sex. College ako noon ng makaranas ako ng pakikipagtalik sa kapwa ko lalaki. Sa isang schoolmate ko unang naranasan iyon. Noon pa man kasi ay may kakaiba akong nararamdamang paghanga sa kapwa ko lalaki lalo na yung mga gwapo at matitipuno ang pangangatawan. Napilitan kasi akong sumali noon sa Mr. & Ms. University ng school namin dahil ayon sa aking mga classmate at class adviser ay pwedeng-pwede daw akong manalo. Ayaw ko nga sanang sumali lalo na ng malaman ko na magsusuot kami ng trunks. Nangyari ang karanasan kong iyon ng matapos ang isang rehearsal namin. Pareho kaming kalahok sa patimpalak na iyon. Sa kanya ko rin unang nagawa ang chumupa.

Dahil sa karanasan kong iyon ay nakailan pa akong experiences sa ganoong klaseng pagkikipagtalik. Natigil lamang iyon ng magsimula na akong magtrabaho. Pinagsabay ko kasi ang trabaho sa pagkuha ko pa ng masteral degree ko. Tuluyan ko ng iniwasan at kinalimutan iyon ng magka-syota na ako at ng magkaroon na ako ng sariling pamilya.

Muling bumalik ang aking diwa sa ginagawa sa akin ni Joshua. Nang tila nagsawa na si Joshua sa kasususo ng akong tarugo ay muli niyang sinimulang halikan ang aking katawan paitaas hanggang sa aking dibdib. Nang marating niya ang aking mga labi ay lumaban na rin ako ng halikan sa kanya. Halos isang dekada na ang nakakaraan ng huli kong maranasan iyon. Kaya naman para akong hayok na hayok sa ganoong gawain. Ang ginawa sa akin ni Joshua na paghalik sa halos buo kong katawan at pagchupa sa aking alaga ay ginawa ko rin sa kanya. Dala marahil sa labis kong na-miss ang ganoong gawain at dala na rin ng aking nainom na beer kaya parang mas naging agresibo pa ako kay Joshua. Labis iyon ikinatuwa ni Joshua dahil ang akala niya ay hindi ko iyon magagawa sa kanya.

Si Joshua ang muling gumising sa isang lihim ng aking pagkatao. Ang lihim na pilit kong ibinaon sa nakaraan. Subalit muling bumalik at tila mas naging matindi pa ang pagnanasa ko na gawin muli iyon. Naging regular na naming ginagawa ni Joshua ang pagtatalik sa paborito naming puntahang hotel. Mas lalong napalapit kami ni Joshua sa isa’t isa. Nang isilang ang aking bunsong anak ay kinuha ko pa siyang ninong nito. Nakilala din siya ng aking asawa at ng ilang kamag-anak at mga kaibigan ko. Wala naman sa itsura, kilos at pananalita ni Joshua na pumapatol siya sa kapwa niya lalaki kaya walang nakakahalata na merong namamagitan sa aming dalawa. Subalit nakakaramdam ako ng pagiging-guilty sa tuwing nagkakausap si Joshua at ang aking misis.

Mas lalo akong naging guilty na pinagtataksilan ko na ang aking misis ng minsang sa bahay namin mismo kami nagtalik ni Joshua. Birthday ko noon at sa bahay na lamang namin napagkasunduan ng aking misis na maghanda. S’yempre naging malapit na rin sa aking pamilya si Joshua kaya isa siya sa aking mga bisita. Siya rin ang kahuli-hulian na naiwang bisita ko. Napadami ang inom ni Joshua at halata na ang kanyang kalasingan. Napansin iyon ng aking misis. Kaya naman ang misis ko na ang nag-invite kay Joshua na doon na lamang sa aming bahay magpalipas ng gabi. Nag-aalala kasi ang aking misis na maaring ikadisgrasya pa ni Joshua ang pagmamaneho ng lasing.

Wala naman kaming guest or extra room sa bahay. Sa silid ng panganay kong anak sana namin niyaya si Joshua na matulog. Subalit tumanggi siya. Nagpumilit siyang sa sala na lamang matulog. Ang nais ni Joshua na nga ang sinunod namin. Pero laking pagtataka ko ng ang misis ko pa mismo ang nakiusap sa akin na samahan ko si Joshua na matulog sa sala. S’yempre sinunod ko ang aking misis. Naglatag lamang kami ng ilang patong na comforter sa ibabaw ng carpet upang medyo maging malambot naman ang aming hihigaan ni Joshua. Agad din akong nakatulog sa aking paghiga katabi si Joshua.

Nagising na lamang ako ng hinahalikan na ako ni Joshua sa aking mga labi. Sinabihan ko siya na baka may magising at makita kami sa ginagawa naming iyon. Pero hindi nagpapigil si Joshua. Naganap na naman ang aming pagtatalik sa mismong sala ng aking pamamahay. Mabuti na lamang at walang nakakita sa amin si Joshua ng gabing iyon. Subalit ang nangyaring iyon sa amin ni Joshua sa mismong bahay ko ay nagdulot sa akin ng lalong pagka-guilty at talagang kinikonsensya ako sa aking pagtataksil sa aking asawa’t mga anak.

Sa ngayon na magdadalawang taon na ang anak kong inaanak ni Joshua ay mahigit dalawang taon na rin ang lihim na relasyon namin ni Joshua. Regular pa rin ang pagkikita at pagtatalik namin ni Joshua. Akala ko nga ay magkakasawaan din kami. Pero sa tuwing magkikita kami ay para bang sabik na sabik pa rin kami sa isa’t isa. Para bang iyon pa lamang ang una naming pagtatagpo at pagtatalik. Walang problema si Joshua sa sitwasyon naming iyon dahil binata naman siya at walang obligasyon sa buhay. Ako ang labis na naguguluhan. Pero kahit ganoon pa man ay hindi ko kinakalimutan ang obligasyon ko sa aking asawa’t mga anak.

Hindi ko alam kung tama nga ang pagpapadala ko ng e-mail sa iyo. Nais ko kasing maliwanagan sa pinasok kong sitwasyon. Ibig ko sanang makahingi ng payo o opinion man lamang kung ano ang mas nararapat kong gawin. Kung wala ka naman maibibigay na payo sa akin ay pwede mo rin i-post sa iyong blog ang e-mail kong ito. Baka may ilan kang readers ng blog mo na maaaring makapagbigay ng payo sa akin.

Thank you so much Big Boy. Nang dahil sa blog mo ay maraming nasisiyahang tulad ko. Totoo mang nangyari ang mga iyon o kathang isip lamang ang mga kwento mo ay hindi na mahalaga. Basta may nasisiyahan sa pagbabasa ng mga ito at meron din namang kaming aral na napuputol sa mga ito.

More nice stories to come sa blog mo.

Regards,
Nathaniel


Dear Nathaniel,

Salamat sa e-mail mo. Una sa lahat ay hindi ako magaling sa pagbibigay ng payo lalo na sa sitwasyon mo ngayon. Pero susubukan ko rin magbigay ng aking opinion sa abot ng aking makakaya.

Para sa akin, lahat naman tayo ay binigyan ng kalayaang mamili kung anong buhay ang nais nating tahakin. It’s our choice to be happy. Kaya naman kung saan tayo maligaya ay iyon ang pilit nating tinatahak na landas. Kilala mo naman ang iyong tunay na pagkatao na pinilit mong binago dahil marahil ay nakita mong magiging masaya ka sa pagkakaroon ng asawa’t pamilya. Pero hindi mo pa rin tuluyang natakasan kung ano ka at kung sino ka. Kung masaya ka sa pagpasok mo sa relasyon mo kay Joshua ay maganda iyon para sa sarili mo lamang. Papaano naman ang obligasyon mo sa iyong asawa at mga anak. Parte na sila ng buhay mo at ang pagiging bi-sexual mo ay parte din ng buhay mo, parte ng buong pagkatao mo.

Hindi ka lubusang liligaya kapag may isang bahagi ng pagkatao mo ang kinaliligtaan mong pasiyahin. Hindi magiging 100% ang kaligayahan ng isang tao kung malungkot ang 20% ng kanyang pagkatao. Kung tuluyan mo ng hindi maiiwasan ang tulad ni Joshua ay tiyakin mo na lamang na wala kang magiging pagkukulang sa iyong asawa lalung-lalo na sa iyong mga anak. Kung ano ka noong wala pa si Joshua ay dapat ganoon ka pa rin sa kanila o mas higit pa kahit na may isang Joshua na sa buhay mo. Maaari din namang pansamantala lamang si Joshua sa buhay mo at maaari din namang panghabang-buhay sa siya sa buhay mo. Subalit ang pamilya mo ay tiyak na panghabang-buhay mo na silang magiging parte ng buhay mo.

Hindi naman kita pinapapapili sa pagitan ng iyong pamilya at ni Joshua. Kung saan ka magiging lubos ng masaya ay iyon ang sundin mo. Huwag mo lamang kakalimutan ang responsibilidad mo sa buhay. Sa tingin ko naman ay kaya mong dalhin na mapanatiling maayos ang sitwasyon mo sa ngayon. Basta alam mo lamang na ang priority mo sa ngayon ay mabigyan ng matiwasay at masayang buhay ang iyong mga supling. Sila ang mga biyaya sa iyo na dapat mo lamang pangalagaan kahit ano pa man ang mangyari.

Salamat Nathaniel sa iyong pag-email sa akin. Sana kahit papaano ay nakatulong ako sa iyo.

Ang iyong bagong kaibigan,
Big Boy