Monday, June 8, 2009

My Ex-Girlfriend's Boyfriend (Part 10)

Makalipas ang ilang linggo kong panunuyo kay Kate ay sinagot na rin niya ako. Naging madalas na rin ako sa bahay nila. Nakilala ko na rin ang kanyang mga magulang na pawang mababait naman. No wonder kaya lumaking mababit din ang kanilang dalawang anak. Hindi lamang ako naging malapit kay Kate. Pati sa Kuya Luis niya ay napalapit na rin ako at sa syota nitong si Izza. Halos tuwing weekend ay tambay ako sa bahay nina Kate at kung may lakad silang buong pamilya ay kasama na rin ako.


Minsan nag-set ako ng double date with Liza and Jun. Gusto kasing makilala ng dalawa ang bago kung girlfriend. Botong-boto si Liza kay Kate. Pero parang may kakaiba akong napansin kay Jun. Tila hindi siya yung Jun na kilala ko na palakwento at palabiro. Kakaiba ang katahimikan niya ng gabing iyon. Pagkatapos ng double date naming iyon at nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong nag-text sa kanya upang tanungin siya sa inasal niya ng gabing iyon.


“Bro okey ka lang ba kanina? Mukhang hindi ikaw yung Jun na nakikilala ko.” ang unang text ko sa kanya.


Matagal bago siya nag-reply.


“Sorry bro. Ngayon lang ako nakareply. Kadarating ko din lang sa bahay. Okey lang naman ako bro.” ang reply niya.


“Mukha ka kasing tahimik kanina.” ang text ko na naman.


“Yun ba? Wala yun. Natutuwa lang ako at may girlfriend ka na.” ang text naman niya.


“Mukha ka bang natutuwa sa ayos mo kanina? Galit ka ba sa akin?” ang tanong ko naman.


“Hindi ah. Bakit naman ako magagalit sa iyo?” ang tugon ni Jun.


“Aminim mo bro. Galit ka sa akin.” ang text ko naman.


“Bakit nga ako magagalit sa iyo?” ang text naman niya.


“Ewan ko. Baka nagseselos ka sa girlfriend ko.” ang text ko kay Jun.


“Bakit naman ako magseselos?” ang text naman ni Jun.


“Ewan ko. Bakit nga ba?” ang tanong ko sa kanya.


“Bakit ako ang tinatanong mo?” ang text ni Jun.


“Mahal mo ba ako Jun?” lumakas na ang loob kong tanungin si Jun.


“Ano ka ba? Bestfriend tayo.” ang tanging text ni Jun.


“Pero love mo ba ako?” ang tanong ko muli.


“Ano ba yang mga tanong mo? Buti pa matulog ka na at maliligo pa ako.” ang text naman ni Jun.


Hindi ko na kinulit si Jun. Nagpaalam na rin ako sa kanya na matutulog na ako. Laking pagtataka ko talaga kay Jun ng gabing iyon. Hindi naman siya dating ganoon. Tama siguro ang kutob ko na mahal na ako ni Jun at pinagseselosan niya si Kate.


Isang weekend ay inimbitahan ni Kate sin Liza at Jun na doon mag-lunch sa kanila. Mahilig kasing magluto si Kate at ipatitikim niya ang mga bagong putahe na alam na niyang lutuin kina Kate at Jun. Si Liza ay agad pumayag. Subalit si Jun ay pinilit pa naming dalawa ni Liza.


Sa bahay nina Liza ay lubos na nakilala ni Jun ang kuya ni Liza na nakita niya sa harapan ng aming bahay ng minsang ihatid ako nito. Naramdaman ko na pinipilit ni Jun na maging normal ang kanyang pakikitungo kay Kate at kay Luis. Hindi ko alam kung nararamdaman din iyon ni Liza. Siguro nga ako lang ang nakakaramdam dahil may iba na din akong nararamdaman kay Jun. Baka nga mahal ko na rin siya at sobrang conscious lang ako sa mga ikinikilos ni Jun.


Nang matapos ang lunch namin ay nagyaya si Luis na maglaro kami ng computer games. Lahat kami ay nagtungo sa sala at isang malaking LCD TV monitor ang ginamit namin upang lahat at maka-appreciate ng nilalaro kahit hindi sila mismo ang naglalaro. Syempre katabi ko si Kate na naupo sa isang love seat at nakaakabay ako kay Kate. Madalas kong mapansin si Jun na sumusulyap sa akin. Alam ko na nagseselos na siya. Sa tuwing magtatawanan kami ay niyayakap ko na si Kate. Ewan ko pero nakikita ko sa expression ng mukha ni Jun na tila naiinis na siya lalo na kung magsasalubong ang aming mga mata.


Bigla ko tuloy naisip na kung kay Kate ay nagseselos na siya, papaano pa kaya kung kay Luis ako makikipagharutan. Iyon ang sumunod kong ginawa. Tinabihan ko si Luis na kasalukuyang naglalaro noon at hawak ang isang controller. Nakaupo siya sa sahig sa harapan ng TV. Inakbaya ko si Luis at halos yakapin ko din siya sa tuwing hahagalpak kami sa tawa. Mas lalong tumagal ang pagkakadikit ng aming mga katawan ng hilingin ni Luis na dalawa kaming pipindot sa controller. Pumwesto kasi si Luis sa may gawing likuran ko at halos yakapin na niya ako. Hindi na din naiwasan ang pagkakadampi ng kanyang alaga na nasa loob ng shorts niya sa aking likuran. Damang-dama ko iyon kaya mas lao kung idinidikit ang aking likuran doon.


Tiyak ako na alam ni Jun ang pananamantala kong iyon kay Luis. Sa tuwing mababaling ang tingin ko sa kanya ay tila inis na inis siya sa aking ikinikilos. Nang matapos ang game namin ni Luis ay tumayo ako at nagpaalam sa grupo na magpapahangin lang sa may hardin. Sumunod pala sa akin si Jun.


“Grabe ka bro. Pati ba kuya ng syota mo ay papatusin mo?” ang tanong sa akin ni Jun.


“Uy pati kay Luis nagseselos s’ya.” ang biro ko kay Jun.


“Bakit naman ako magseselos?” ang tanong naman ni Jun.


“Ewan ko. Bakit nga ba?” ang tanong ko rin sa kanya.


“Puro ka biro. Pakiusap, huwag mo ng gawin yun kay Luis. Makontento ka na sa bago mong girlfriend.” ang seryosong nasabi sa akin ni Jun.


“Wala naman sa plano ko si Luis. Mukha namang hindi papatol sa lalaki iyon. At may girlfriend na rin s’ya.” ang nasabi ko naman kay Jun.


“Akala mo lang iyon. Bakit ako, may girlfriend din pero pumatol pa rin ako sa iyo.” ang nabanggit naman ni Jun.


“Mahal mo ba ako Jun?” ang bigla kong naitanong kay Jun.


“Ano bang klaseng tanong yan. Mahal kita syempre dahil bestfriend ka namin ni Liza.” ang tugon ni Jun.


“Eh yung pagmamahal na higit pa doon.” ang pagkukulit ko kay Jun.


Tara na nga sa loob at kung anu-ano na ang itinatanong mo sa akin.” ang yaya sa akin ni Jun na tila talagang iniiwasan ang katanungang iyon.


Kukulitin ko pa sana si Jun upang sagutin niya ang katanungan kong iyon. Subalit agad na siya pumasok muli sa loob ng bahay at sumunod din naman ako sa kanya. Matapos ang meryedang inihain muli ni Kate ay nagpaalam na kami nina Liza at Jun.

Inihatid muna namin ni Jun si Liza sa kanilang bahay. Hindi pa kami nalalayo sa bahay ni Liza ng biglang magyaya si Jun.


“Subukan naman natin sa motel.” ang alok niya.


Alam ko na ang nais mangyari ni Jun.


“Bakit sawa ka na ba sa kwarto ko at gusto mong maiba naman?” ang tanong ko rin sa kanya.


“Hindi naman. Trip lang.” ang tugon niya.


“Gusto mo pala ng trip. Sandali lang at may tatawagan ako.” ang nasabi ko naman sa kanya.


Tinawagan ko ang dati kong karelasyon at pumayag naman siya sa alok ko.


Tara doon sa condo ng friend ko.” ang yaya ko kay Jun.


“Anong gagawin natin doon?” ang tanong naman niya.


“Akala ko gusto mo ng kakaibang trip. Pwes doon na lang natin gawin ang trip mo.” ang tugon ko naman.


“Ano nga bang trip yun?” ang pangungulit ni Jun.


“Basta! Doon mo na lang malalaman.” ang tugon ko naman.


Narating din namin agad ang condo ng friend ko. Sa pagbukas ng pintuan ay bumungad sa amin ang isang lalaki na agad kong namukhaan. Isa itong modelo sa mga commercial sa TV at paminsan-minsan ay lumalabas din sa mga soap opera.


“Nandyan ba si Ramil?” ang tanong ko sa lalaking iyon.


“Yes. Ikaw ba yung friend ni Ramil na hinihintay nya?” ang tugon at tanong ng lalaking iyon.


“Ako nga.” ang tugon ko naman.


“Pasok kayo. Naliligo lang sya sa banyo. Katatapos lang niya mag-workout sa gym sa baba.” ang nabanggit sa amin na lalaking nagbukas sa amin ng pintuan.


Pagpasok namin ay nagpakilala sa amin ang lalaking iyon. Mark ang pangalang sinabi niya. Pero ang alam ko ay hindi iyon ang gamit niyang name sa telebisyon. Nagdalawang isip tuloy ako kung siya nga yung modelong naiisip ko.


“Si Jun naman ako pare.” ang pakilala ni Jun kay Mark.


Ilang minuto pa lamang kaming nakaupo ng lumabas mula sa bathroom si Ramil na nakatapis lamang ng tuwalya.


“Kanina pa ba kayo?” ang tanong ni Ramil sa amin.


“Hindi naman.” ang tugon ko.


“S’ya ba bagong mong boyfriend? Yummy ah.” ang tanong sa akin ni Ramil.


“Yes, ako nga ang bago niyang boyfriend. Jun ang pangalan ko.” ang biglang tugon ni Jun na ikinabigla ko.


“Ganda ng katawan natin ngayon ah. Dahil ba sa papa Mark mo?” ang biro ko naman kay Ramil.


“Hindi naman. Madalas lang ako ngayon sa gym. So nakilala nyo na pala si Mark.” ang tugon ni Ramil.


“Is there anything that you want to eat or drink?” ang alok sa amin ni Ramil.


“Huwag ka ng mag-abala. Busog pa kami ni Jun.” ang tugon ko naman.


“O ano, fair ba ang deal natin?” ang tanong ko naman sa kanya.


“Oo naman. Patas lang sila ni Mark.” ang tugon ni Ramil.


Binulungan ni Ramil si Mark at tumango lamang ito tanda ng pagsang-ayon sa ano mang sinabi ni Ramil.


“Anong deal mo kay Ramil?” ang pabulong na tanong sa akin ni Jun.


“Basta. Super galing yang kaibigan ko. For sure mag-eenjoy ka.” ang bulong ko rin kay Jun.


Lumapit sa amin si Ramil. Tumayo naman ako at s’ya na ang pinaupo ko sa tabi ni Jun. Nilapitan ko naman si Mark.


“Mukhang jumbo hotdog ito ah.” ang biglang nabanggit ni Ramil ng kapain niya ang harapan ni Jun.


“Hindi naman. Normal size lang yan.” ang tugon naman ni Jun na tila nahulaan na niya ang deal namin ni Ramil.


“Ikaw yung commercial model at artista na din di ba?” ang tanong ko kay Mark.


“Hindi ako yun. Baka kamukha ko lang.” ang tugon naman ni Mark.


“Hindi ako nagkakamali. Ikaw yun. May mga nadownload pa nga akong pictures mo sa internet. Ikaw talaga yun.” ang pagpupumilit ko kay Mark.


Hindi na sumagot pa si Mark. Niyaya na lamang niya ako sa kwarto. Bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ay muli kong tinignan sina Jun at Ramil. Tinggal na ni Ramil ang t-shirt ni Jun at sinisimulan na niyang buksan ang pantalon ni Jun habang sinususo ang isang nipple ni Jun. Sa tingin ko naman ay nagsisimula ng mag-enjoy si Jun kaya tuluyan na akong pumasok sa loob ng silid.


“Ikaw yun talaga.” ang huling hirit ko pa kay Mark.


“Oo, ako nga iyon. So………..” umamin di si Mark subalit hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla ko na siyang hinalikan sa kanyang mga labi.


Lumaban din na halikan si Mark. Hindi ako makapaniwala na pumapatol din pala siya sa isang tulad namin ni Ramil. Hunk na hunk pa naman ang packaging kay Mark at napapabalita din ang pagiging chickboy n’ya. Nang mga sandaling iyon ay yakap-yakap ko na siya at kahalikan pa. Ilang beses ko na rin pinagpantasyahan ang sexy pictures n’ya na na-download ko sa internet. Sa wakas ay matitikman ko na rin siya.


- ITUTULOY -