Saturday, June 27, 2009

My Ex-Girlfriend's Boyfriend (Part 12)

“Hi!” ang bigla kong natanggap na text message isang araw.

Wala sa phonebook ng celfone ko ang numerong nagregister.

“Who is this?” ang reply ko naman kaagad.

“Si Mark ito bro.” ang pakilala sa akin ng nagtext.

“Sinong Mark?” ang text ko naman.

“Si Mark na talent ng friend mong si Ramil.” ang reply naman niya.

“Ah ok. How are you na?” ang text ko naman.

“Ok naman ako. Katatapos lang kagabi ng malaking fashion show namin. Wala lang akong magawa sa bahay.” ang tugon naman niya.

Nagpatuloy ang pagpapalitan namin ng text messages. Hanggang sa mapagkasunduan namin na magkita ng gabing iyon paglabas ko sa opisina. Ewan ko pero parang excited akong muli na makita si Mark. Aminado naman ako na attracted ako kay Mark. Subalit ang pinagtatakahan ko ay kung bakit gusto din niyang makipagkita sa akin. Ano kaya ang balak niyang gawin namin. Iyon ang malaking katanungan sa aking sarili ng araw na iyon.

Nagliligpit na ako ng mga papeles sa table ko dahil naghahanda na akong mag-out na opisina ng bigla akong makatanggap ng tawag sa celfone mula kay Jun.

“Malapit na ako sa opisina ninyo. Dadaanan kita. Labas naman tayo tonight.” ang bungad ni Jun ng sagutin ko ang celfone.

“Ganoon ba. Hindi ako pwede ngayon.” ang tugon ko naman.

“Sige na. Dinner lang naman tayo. Sandali lang tayo.” ang pagpupumilit ni Jun.

“Hindi talaga pwede Jun. May iba na akong lakad mamaya.” ang pagtanggi ko muli.

“O sige. Ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo.” ang alok naman ni Jun.

“Wag na. Maabala ka pa.” ang pagtangi ko na naman.

“Nandito na kaya ako sa harapan ng building ninyo. Labas ka na dyan at ihahatid na kita.” ang pangungulit pa rin ni Jun.

“Sige na nga. Wait mo lang ako dyan.” ang pagsang-ayon ko na lamang.

Dali-dali na rin akong nag-out sa aming opisina at tinungo ang kotse ni Jun.

“May date ba kayo ni Kate?” ang tanong ni Jun.

“Wala. May nag-invite lang sa akin ng dinner din. Pasensya ka na at nauna siya sa iyo.” ang pagtatapat ko na lamang ng katotohanan.

“Si Luis?” ang tanong na naman ni Jun.

“Ikaw talaga Jun, talaga bang ayaw mong maniwala na wala kaming relasyon ni Luis. Kuya sya ni Kate. Nakakahiya naman kay Kate kung totoo yun.” ang sabi ko kay Jun.

“Eh sinong ka-dinner ko mamaya?” ang tanong muli niya.

“Si Mark yung talent ng friend kong si Ramil. Remember. Yung naka-sex mo sa isang condo unit.” ang buong pagtatapat ko kay Jun.

“So si Mark na ngayon ang prospect mo.” ang nasabi ni Jun.

“Hindi naman. Mabait lang yung tao at hindi ko matanggihan.” ang sabi ko naman.

“Ganoon lang ba yun? Syempre gusto mo rin maka-sex siya. Kaya kayo magkikita.” ang nakakainis na biro ni Jun.

“Ang kulit naman nito. Magdi-dinner nga lamang kami. Nababagot lang siya sa bahay nila kaya nagyaya siya ng dinner.” ang inis ko na ring sagot kay Jun.

“Ah ok. Saan ba kayo magkikita at doon na kita ihahatid?” ang tanong ni Jun.

“Sa MOA kami magkikita at doon na rin kakain.” ang tugon ko naman.

Tuluyan na naming binaybay ang daan patungong MOA. Medyo matrapik lang sa nadaanan namin kaya halos abutin kami ng isang oras bago makarating doon. Hindi ko na rin inimik si Jun. Hindi na rin kasi siya nag-usisa pa. Pero ramdam na ramdam ko na nagseselos si Jun sa aking gagawing pakikipagkita kay Mark. Kaya naman naisipan ko na lamang siyang imbitahin din sa dinner.

“Ipasok mo na nga sa carpark ang kotse mo. Isasama na kita sa dinner at makilala mo na rin ng tuluyan si Mark.” ang biglang kong nasabi kay Jun sa paglapit namin sa MOA.

Nangiti lamang si Jun. Nagpark kami sa carpark building at nilakad namin ang area kung saan kami nagkasundong magkikita ni Mark.

“Kanina ka pa ba dyan?” ang tanong ko kay Mark ng magkita kami.

Nauna kasi si Mark sa lugar ng napagkasunduan namin.

“Hindi naman. Siguro mga 5 to 10 minutes pa lang.” ang tugon naman ni Mark.

“Kilala mo na si Jun di ba?” ang tanong ko kay Mark.

“Sya ba yung kasama mo sa condo ni Ramil?” ang tanong naman ni Mark.

“Ako nga yun pre.” si Jun na mismo ang sumagot sa tanong ni Mark.

“Nice meeting you again Mark. Halos hindi kasi tayo nagkausap noon.” Ang dugtong pa ni Jun.

“Saan ba tayo kakain?” ang tanong ko sa dalawang kasama ko.

“Kahit saan.” ang tugon ni Mark.

“Ikaw na bahala.” ang tugon naman ni Jun.

Pumayag naman ang dalawa sa nais kong restaurant. Masaya naman ang naging usapan namin. Medyo naging asiwa lamang si Mark dahil yung mga waitress ay panay ang sulyap sa aming table. Halos mag-unahan pa sila sa pagserve sa amin kung hihingi kami ng refill ng iced tea. Well, sino nga naman ba ang hindi mababaling ang tingin sa table namin. Talaga namang napakagandang mga lalaki ang kasama ko. Syempre hindi din naman ako pahuhuli sa dalawa. Lamang lang talaga sila sa height.

Mukha namang nagkasundo sina Mark at Jun. Halos pareho naman yata kasi ang hilig ng dalawa sa sports at hobbies. Pati sa movies ay tugma ang gustong tema ng dalawa. Kaya naman walang naging problema sa pag-uusap naming tatlo habang nagdi-dinner.

Nang matapos kaming mag-dinner ay nagpasya kaming maglakad-lakad muna sa likuran ng MOA. Hindi gaanong matao ng gabing iyon. Kaya siguro nagawa ni Jun na akbayan ako habang naglalakad kami. Biniro tuloy kami ni Mark na mag-jowa kaming dalawa at kung mag-jowa man daw kami ay bagay na bagay kami. Syempre, tinanggi ko kaagad na may relasyon kami ni Jun. Inamin ko rin naman kaagad kay Mark na sex partner ko si Jun at no string attached.

Mukha naman naintindihan ni Mark ang aming kakaibang relasyon ni Jun. Hindi na rin kasi siya nag-usisa ng tungkol doon. Nagpatuloy lamang kami sa kwentuhan ng kung anu-anong bagay hanggang sa magkayayaan na kaming umuwi. Walang kotse si Mark kaya niyaya na lamang naming maihatid si Mark sa kanilang bahay sa Cavite. Pumayag naman siya.

Pagdating namin sa bahay ni Mark ay niyaya niya kaming pumasok sa loob. Pinaunlakan naman namin ni Jun ang imbitasyon ni Mark. Medyo maaga pa naman kasi.

“May ilang beer in can pala ako sa ref. Baka gusto ninyo uminom ng konti?” ang alok sa amin ni Mark.

“Ok lang.” ang tugon ni Jun.

Tatanggi sana ako. Pero naunahan na ako ni Jun na pumayag sa alok ni Mark. Naupo kami sa sala. Tapos ay inabutan kamin ni Mark ng beer. Pansamantala kaming iniwan ni Mark sa sala. Pumasok siya sa silid. Paglabas niya ay naka-shorts at naka-sando na lamang siya. Mas katakam-takam na siya ngayon sa aking paningin.

“Nag-iisa ka yata dito sa bahay?” ang tanong ko kay Mark.

“Tuwing weekdays ay mag-isa lang ako madalas. Actually, bahay ito ng kuya ko at ng asawa nya. Nakabili na sila ng maliit na condo sa QC na malapit sa pinapasukan nila. Kayo doon sila kapag may pasok. Tapos sa Friday night or Saturday morning nandito naman sila.” ang tugon ni Mark.

“Eh yung mga magulang mo at iba mo pang kapatid?”ang tanong naman ni Jun.

“Nasa province ang parents ko. Dalawa lang kami ng kuya ko na magkapatid. Dati akong pinapag-aral ni kuya. Kaya lang nahilig ako sa modeling at showbiz. Heto hindi pa rin tapos sa college. Pero try ko next enrolment. May konting ipon na rin ako. Pwede na rin siguro iyon na pang-tustos ko sa pag-aaral.” ang tugon naman ni Mark.

Maya’t maya pa ay nagpaalam si Mark na bibili lamang ng mani o chichirya na pulutan namin. Ayaw na sana naming dahil isang beer lang naman sana talaga ang iinumin namin. Pero nagpumilit si Mark. Pagbalik niya ay may dala na nga siyang mani at letsong manok at ilan pang piraso ng beer in can. Mukhang mahaba-habang inuman ang balak ni Mark ng gabing iyon. Wala na rin kaming nagawa ni Jun kundi makipag-inuman na talaga kay Mark.
Nang nakailan na kaming beer ay tila naiiba na ang tema ng usapan namin. Sinimulan na kasing banggitin ni Mark ang nangyari sa amin sa loob ng condo unit ni Ramil.

“Sa totoo lang pre, ang sarap ka-sex itong kaibigan natin.” ang biglang sinabi ni Mark kay Jun.

Parang nawala ang konting espiritu ng alak sa akin ng marinig ko iyon. Para akong nahiya sa nasabing iyon ni Mark.

“Tama ka doon pare.” ang tila pagsang-ayon ni Jun.

Hindi ako nakapagsalita. Tinignan ko ng masama si Jun. Nakuha naman agad ni Jun ang pakahulugan ng tingin kong iyon. Agad niya akong inakbayan at niyakap. Magkatabi kasi kami sa sopa habang umiinom. Sa mga sandaling iyon ay agad namang tumabi sa akin si Mark. Napaggitnaan tuloy ako ng dalawa.

“Sinong magaling sa halikan sa amin ni Jun?” ang tanong ni Mark na ikinabigla ko na naman.

Hindi ako nakasagot kaagad.

“Ewan ko.” ang safe na sagot ko na lamang.

“Ano? Hindi mo alam kung sino?” ang pagtataka ni Mark.

“Eh di try natin uli ng malaman natin.” ang dugtong pa ni Mark.

Agad akong kinabig ni Mark at hinalikan ako sa aking mga labi. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili. Nakipaghalikan na rin ako kay Mark kahit alam kong katabi ko rin si Jun.

“Hoy tama na yan. Ako naman.” ang biglang sinabi ni Jun sabay kabig sa akin.

Si Jun at ako naman ngayon ang nagkaroon ng mainit na halikan. Makalipas ng ilang minuto ay bumitaw din kami ni Jun sa aming halikan.

“O sinong magaling sa aming dalawa ni Jun?” ang biglang tnaong ni Mark.

“Pareho lang.” ang tugon ko naman.

“Anong pareho lang?” ang tanong naman ni Jun.

“Pareho lang kayong walang kagana-ganang halikan.” ang biro ko sa kanila sabay halakhak.

“Ah ganun!” ang biglang bulalas ni Mark sabay kiliti sa aking tagiliran.

Pati si Jun ay kiniliti na rin ako.

“Tumigil nga kayong dalawa.” ang pakiusap ko sa kanila.

Sumunod naman sila sa pakiusap ko.

“Ganito na lang. Tutal pareho naman talaga kayong magaling humalik at parehong gwapo. Tignan na lang natin kung sino ang lamang pagdating kay junior.” ang mungkahi ko sabay tawa na rin.

“Palakihan ba yan?” ang tanong ni Jun.

“Hindi lang ang sukat. Basta yung pinaka-yummy tignan at yummy din tikman.” ang tugon ko naman.

“So ikaw uli ang judge.” ang sabi naman ni Mark.

“Syempre naman. Bakit gusto mo pa bang kumuha ng ibang huhusga sa pagkalalaki nyo?” ang biro ko tuloy kay Mark.

Sumang-ayon naman ang dalawa. Kaya naman nagsimula na silang maghubad sa aking harapan. Ilang sandali pa ay dalawang katakam-takam na hunk ang hubo’t hubad na nasa aking tabi.

- ITUTULOY -