Saturday, July 11, 2009

BUTAS - Part 2

Si Tim ang kauna-unahang adult na lalaki ang nakitaan ko ng tarugo. Siya rin ang unang lalaki na nagpatikim sa aking ng kanyang tarugo. Dahil lamang sa isang butas sa kisame ng banyo ay nagkaroon ako ng kakaibang karanasan na sa di inaasahang pagkakataon ay nagmulat sa akin ng kakaiba kong pagkatao. Hindi ko alam pero may kakaibang kaligayan ang aking nadarama sa tuwing makakakita ako ng titi ng isang lalaki lalung-lalo na kung matsutsupa ko ito.

Dahil nga wala na si Tim, nanumbalik na naman ako sa pagsilip sa butas sa kisame ng banyo. Kahit na makailang ulit ko ng nasilipan ang mga boarder namin ay hindi ko ito pinagsawaan. Naulit din ang natunghayan kung pagtsupa ng isang estudyanteng boarder namin sa kapwa niya estudyante din. Ilang linggo din na ganoon lamang ang nangyayari sa sex life ko. Matapos makasilip sa butas at nagsasariling sikap na lamang ako. Nag-iba lamang ito muli ng may bagong umupa sa kwartong tinuluyan ni Tim at ng kasamahan niyang kapwa sundalo.

Isang bagong mag-asawa ang umupa dito. Kahit na alam nilang puro lalaki ang nangungupahan sa ibang kwarto ay nagustuhan pa rin nilang tumira dito. Sa may airport kasi nagtatrabaho ang babae at ang lalaki naman ay naghahanap pa lamang ng mapapasukang trabaho. Marvin ang pangalan ng asawang lalaki.

Twenty-one years old pa lamang si Marvin at 5th year engineering student na sana siya ng taong iyon. Subalit dahil nga nagtanan sila ay hindi na siya sinuportahan sa pag-aaral ng kanyang mga magulang. Buti naman at may trabaho na ang kanyang napangasawa at kahit papaano ay nairaraos nila ang pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Dahil pang-hapon ang klase ko at wala naman trabaho pa si Marvin ay madalas ko siyang maka-usap at makalaro ng basketball sa umaga. Kahit papaano ay natutuwa ako sa pagkakakilala ko kay Marvin. May angking kagandahang lalaki si Marvin. Maayos ang pangangatawan kahit hindi ito ma-muscles. Siguro nasa 5’ 11” ang taas niya. Ang mga katangian niyang iyon marahil ang dahilan kung bakit in-love na in-love sa kanya ang kanyang asawa at nagtyatyaga kahit wala siyang hanapbuhay.

Pati ako ay nakadama ng kakaibang paghanga kay Marvin. Madalas nga akong mag-take advantage sa kanya na mayakap siya o madampian ang kanyang armas sa tuwing naglalaro kami ng basketball. Syempre sa tuwing maliligo siya ay nakaabang na ako sa may butas sa kisame ng banyo. Iba talaga ang pananabik ko na gawin ang mga iyon kung ikukumpara sa iba pang boarders namin. Sa madaling salita ay matindi ang tama sa akin ni Marvin.

Isang araw ay natuklasan ko ang isang lihim ni Marvin. Nang pumasok kasi siya sa banyo ay agad din ako pumwesto sa may kisame. Subalit hindi pala naliligo si Marvin. May kausap siya sa celfone. Sa aking narinig ay tila may katatagpuin siya sa isang motel sa may Malate. Akala ko ay babae iyon. Subalit nalaman kong lalaki ang kanyang kausap ng tawagin niya itong sir. Nalaman ko rin na may kabayarang katumbas ang pagkikita nila ng sabihin ni Marvin na fixed rate na niya ang P2,000. Sa loob ng banyo nakipag-deal si Marvin dahil nandoroon sa kanilang silid ang kanyang asawa.

Nang matapos makipag-usap si Marvin sa celfone ay agad na rin siyang lumabas ng banyo. Makalipas ang ilang minuto ay muli kong nadinig na may pumasok sa loob ng banyo. Muli palang pumasok si Marvin upang maligo na. Habang naliligo si Marvin ay muli kong natunghayan ang kanyang hubad na katawan. Kaakit-akit talaga ang kanyang titi na napapaligiran ng katamtamang kapal ng bulbol. Sa kisame na sana ako magsisimulang mgasalasal. Subalit tila nagmamadali lamang maligo si Marvin. Medyo nabitin ako ng agad lumabas ng banyo si Marvin. Kaya naman ipinagpatuloy ko na lamang ang pagsasariling sikap sa ibabaw ng aking kama at si Marvin ang nasa aking isipan.

Umalis pala kagaad ng bahay sa Marvin ng araw na iyon. Day-off ng asawa niya kaya napag-alaman ko na pupunta lang sa kanyang kaibigan na nahospital si Marvin. Naglilihi na ang asawa ni Marvin at ayaw niya ang amoy ng hospital kaya naman hindi na niya sinamahan si Marvin. Gabi na ng dumating si Marvin.

Kinutuban ako sa kakaibang trabaho ni Marvin. Sa tuwing may tatawag sa kanyang celfone ay medyo lalayo siya sa akin kung kasama niya ako. Tila ayaw niyang iparinig sa aking ang kanyang mga sasabihin sa tumatawag sa kanya. Madalas na rin siyang wala sa bahay at walang tiyak na oras ang pag-alis o pagbalik niya sa bahay. Ilan beses ko rin siyang nadinig na nakikipag-deal sa kanyang clients sa loob ng banyo.

Dahil sa nalaman kong lihim ni Marvin ay mas lumakas ang loob ko na okey lang sa kanya ang mahawakan ng iba ang kanyang uten. Sa tuwing nakakalaro ko siya ng basketball na one-on-one ay madalas ko na rin hipuin ang kanyang harapan. Kahit na halata na sinasadya ko ang pagkakahipo sa kanyang harapan ay bale wala lamang ito sa kanya at nangingiti lamang siya sa akin sa tuwing gagawin ko iyon.

Isang umaga habang ginagawa ko ang aking assignment ay pinuntahan ako ni Marvin sa aking silid. Dala-dala niya ang bola ng basketball. Akala ko ay yayain niya akong maglaro ng basketball. Subalit ikinagulat ko ang tanong niya na kung type ko daw siya. Syempre hindi ako nakasagot at namutla talaga ako. Tinanong niya ako na naman na kung may experience sa daw ako sa pagtsupa. Iyon ang hindi ko na ipinagkaila. Tumango ako.

Humakbang siyang papalapit sa akin. Tanging basketball shorts lang ang suot noon ni Marvin. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at ipinasapo ang kanyang dibdib. Inalalayan niya ang aking mga kamay sa paghimas ng kanyang dibdib pababa sa kanyang shorts. Pagkadampi na kamay ko sa kanyang harapan at agad ko na rin kinapa ang kanyang tarugo. Malambot iyon tulad na lagi ko nadarama sa tuwing dadampian ko iyon sa tuwing naglalaro kami ng basketball. Ang kaibahan nga lamang ay hindi lamang segundo ang itinagal ng palad ko doon. Nagpatuloy ako sa paghimas doon hanggan sa maramdaman ko ang pagtigas nito.

Napatingin ako sa mga mata ni Marvin na tila nangungusap na gawin ko kung ano man ang nais kong gawin sa kanyang tarugo. Naging hudyat iyon na alisin ko na ang suot na shorts at brief ni Marvin. Magkasabay ko iyong ibinaba at tila isang batuta ng pulis ang nakaturo sa aking mukha. Galit na galit na ang pagkalalaki ni Marvin. Agad naman akong natukso na isubo iyon. Tulad na natutuhan kong gawin kay Tim, mas naging bihasa na ako ngayon sa pagtsupa sa titi ni Marvin. Hindi na naranasan ni Marvin ang pagsayad ng aking ngipin sa kanyang tarugo. Alam kong masakit iyon dahil sa mga unang pagtsupa ko kay Tim ay iyon ang inireklamo niya. Agad ko naman itong naisaayos gawin dahil na rin kay Tim na hayok din na ipasuso ang ari sa iba.

Sarap na sarap na ako sa paglabas-pasok ng tarugo ni Marvin sa aking bibig nang bigla niya itong hinugot. Hinatak niya akong papatayo at nabigla ako ng simulan niya akong halikan sa aking mga labi. Ito ang isang bagay na di namin nagawa ni Tim. Kahit first ko pa lamang iyon gawin ay tila instinct na rin ang nagtulak sa akin upang makisabayan sa galing sa paghalik ni Marvin. Kasabay ng mainitang halikang iyon ay ang tuluyang na naming pagtalop sa aming mga sarili. Kapwa na kami walang saplot sa katawan ng mahiga kami sa aking kama.

Hindi lamang ang aking dila at labi ang ginalugad ng dila at labi din ni Marvin. Simula sa tenga, leeg, dibdib, hanggang sa pagbaba sa aking sandata ay halos araruhin ng dila at labi ni Marvin. Matinding kilita ang dulot nito na sa halip na magdulot ng tawa sa akin ay napapaliyad na lamang ako at napapa-ungol. Grabe ang romansang ginagawa sa akin ni Marvin. Hindi ko rin inakala ang sumunod pa niyang ginawa. Isinubo din niya ang aking tarugo. Noon ko nadama kung gaano kasarap ang matsupa. Noon ko rin nalaman kung bakit laging hinahanap ni Tim ang pagtsupa ko sa kanya na halos gawin namin gabi-gabi. Hindi ko tuloy napigilan ang dali-dali kong pagpapakawala ng katas. Tumigil si Marvin sa pagtsupa sa akin ng malasahan niya ang aking tamod. Inabot niya ang aking t-shirt at tila idinura doon ang aking tamod. Sinalsal na lamang niya ang aking tarugo hanggang sa wala ng katas na inilalabas ito.

Nahiga si Marvin at sinabihan akong siya naman ang aking romansahin. Tulad ng ginawa niya sa akin, sinimulan ko siyang halikan sa mga labi, sa tenga, sa leeg, sa dibdib hanggang abutin ko ang kanyang tarugo. Ang bayag muna niya ang pinagtuunan ko ng pansin. Pinaglaruan iyon ng aking dila at bibig. Damang dama ko ang sarap na dulot nito kay Marvin. Di nagtagal at isinubo ko na rin ang tarugo ni Marvin. Taas-baba ang aking ulo sa kanyang harapan. Napansin ko rin na minsan ay inaangat niya ang kanyang puwet upang maipasok ng buong-buo ang kanyang tarugo sa kaloob-looban ng aking bibig. Halos umabot nga ito sa aking ngala-ngala. Ilang minuto pa ang lumipas at naramdmaan ko ang medyo mainit na likido na ibinuga ng tarugo ni Marvin. Nakasanayan ko na rin ang lumunok ng tamod kaya naman hindi ko rin inaksaya ang tamod ni Marvin.

Ang naganap na pagtatalik naming iyon ni Marvin ang naging simula ng mas pagiging close namin. Kahit minsan sa isang linggo ay nagagawa namin ang matinding romansahan at pagtatalik sa loob ng aking silid. Iyon ay tuwing walang client si Marvin at kung hindi siya napagbibigyan ng kanyang misis. Hindi man aminin ni Marvin sa akin ay alam ko na isang callboy si Marvin. Hindi pa rin kasi niya iparinig sa akin ang usapan nila ng mga client niya sa celfone. Ayaw ko naman siyang tanungin tungkol doon. Basta masaya ako dahil ganoon kabait at mapagbigay sa akin si Marvin.

Dahil sa pagiging super close namin ay madalas niya akong tawaging honey sa tuwing nagkakasarinlan kami. In short, parang naging mag-on kaming dalawa. Sa tuwing kami lamang ang maiiwan sa bahay at sabay kaming nanonood ng TV sa sala. Para kaming talagang mag-asawa na naghahalikan sa harap ng TV lalo kung x-rated ang isasalang ko na DVD. Nakailang panood din kami ng sine at syempre matindi din ang halikan namin sa loob ng sine kung walang nakakapansin sa amin. Grabe kasaya ang aming naging relasyon lalung-lalo na ng lumaki na ang tiyan ng kanyang asawa. Halos sa aking silid na matulog si Marvin.

Nang manganak ang misis ni Marvin at nagkalayo na kami. Muli kasi siyang tinanggap ng kanyang mga magulang. Marahil ay sabik sa apo ang mga ito kaya pinabalik na sila sa kanilang tahanan. Paminsan-minsan ay nagagawi siya sa aming bahay. Sa tuwing wala akong kasama ay nakakapag-sex pa rin kami ni Marvin. Nang muli siyang pumasok sa school ay hindi na siya nakadalaw sa akin. Tanging sa text messages na lamang kami nagkukumustahan na kinalaunan ay naputol din.

- MAY KARUGTONG -