Thursday, June 3, 2010

Ang Bus Driver (Part 1)

“Ang hirap talaga maglipat ng bahay. Sana hindi na lang ako nagpa-transfer ng assignment.” ang nasabi ko sa aking sarili ng maisaayos ko na ang mga damit at gamit ko sa loob ng bago kong inuupahang bachelor pad.

Tinanggap ko kasi ang offer ng company naming sa malipat ako sa isang syudad sa Visayas upang pangasiwaan ang branch namin doon. Maganda naman ang package kaya tinanggap ko naman ng maluwag sa aking kalooban. Pagdating ko sa syudad na iyon ay agad kong tinungo ang bachelor pad na nakita ko sa internet. Maayos naman ang pad kahit medyo may kalumaan na at tila hindi gaanong na-maintain ng dating umupa dito. Agad din naman akong nalinis ng todo-todo dahil hindi talaga ako sanay sa di maayos at malinis na lugar.

Kinagabihan ng medyo humupa na ang ingay ng mga sasakyan sa highway sa harapan ng pad ay noon ko nalaman na kahit gabi na ay maingay pa rin ang paradahan ng mga bus sa likurang bahagi ng pad. Nasa third floor ang inuupahan ko at sa maliit na balkonahe sa likuran ng pad ay tanaw na tanaw na ang halos kabuuan ng paradahan. Laking inis ko ng gabing iyon dahil halos walang tigil ang pag-andar ng makina ng mga bus at minsan ay may kasama pang sigawan ng mga tao. Wala naman na akong magagawa dahil nakabayad na ako ng dalawang buwang advance payment at baka sabihin ng nangangasiwa ng pad na sobrang arte ko at parang hindi naman ako sanay sa ingay sa Maynila. In short, hindi ako nakatulog ng mahimbing sa unang gabi ko sa pad.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Gusto ko kasing maaga magreport sa bago kong opisina. Matapos ang pang-umagang ritwal sa banyo ay tinungo ko ang balkonahe. Nakatawag pansin kaagad sa akin ang isang parte ng paradahan na may dalawang lalaking naliligo na pawang naka-brief lamang. Tila walang paki-alam ang dalawa kung may makakita sa kanila. Hindi pa ako tumatagal sa pagkakatayo ko sa balkonahe ay napansin ako agad ng isa sa mga lalaki. Kahit medyo may kalayuan ang kanilang pinaliliguan ay napansin ko pa rin ang kanyang pagngiti sa akin. Napansin sya ng kasama nya na ngumit kaya pati ito ay napalingon sa kinaroroonan ko. Bigla kong ibinaling sa iba ang aking tingin.

Pero hindi ko talaga mapigilan ang muling magawi ang aking tingin sa kinaroroonan ng dalawang lalaking naliligo. Pagbaling ng tingin ko sa kanila ay iyon din naman ang pagpasok ng isang kamay sa loob ng brief ng lalaking nangiti sa akin. Nakangiti na naman siya sa akin habang sinasabon ang kanyang uten sa loob ng kanyang brief. Mukhang may nabanggit ang kanyang kasamahan kaya nagtawanan silang dalawa. Bigla naman akong nakadama na kahihiyan. Agad na rin akong pumasok sa loob ng aking pad.

Sa pagpasok ko sa aming opisina ay nalimutan ko agad ang pangyayari ng umagang iyon. May ilan kasi akong ka-opisina na mga gwapo. Pero itinaga ko na sa bato na hindi ako papatol sa aking ka-opisina. Hindi alam sa aking company ang lihim ko at noong minsang nakaroon ako ng relasyon sa kaopisina ko ay muntik ng mabulgar ang katotohan. Mabuti naman at naayos ko ang lahat gawa ng matinding paki-usap sa taong iyon na nagresign at nag-abroad din agad.

Kinabukasan ay muli kong natunghayan ang paliligo ng lalaking ngumiti sa akin noong isang araw. Subalit ng umagang iyon ay nag-iisa lamang siyang naliligo. Tulad pa rin ng dati, nakangiti siya sa akin ng mapansin niya akong nakatingin sa kanya. Tulad pa rin ng dati, naka-brief pa rin siyang naliligo. Sanay na sanay na siguro ang lalaking iyon na naka-brief lamang sa paliligo at sanay na din na makita siya ng ibang tao sa ganoong ayos.

Hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na gantihan siya ng ngiti. Dahil naramdaman ko na parang okey lang sa kanya na mapagmasdan ko siya sa ganoon ayos ay nanatili akong nakamasid sa kanya. Siya naman ay nagpatuloy sa paliligo na para bang walang nakamasid sa kanya. Nang matapos na siyang maligo ay itinapis niya ang kanyang tuwalya bago inalis ang kanyang basang brief. Habang inaalis niya ang kanyang brief ay nakatingin siya sa akin na para bang sinasabihan ako na bawal makita ang kanyang titi. Nilabahan niya ang kanyang brief bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon. Isang sulyap sa akin na may ngiti ang ginawa niya bago siya nawala sa aking paningin.

Nang araw na iyon ay hindi mawala sa aking isipan ang lalaking iyon. Kahit may kalayuan ko siyang napagmasdan ay alam ko na may taglay siyang kagwapuhan. May kaputian din siya at higit sa lahat ay maganda ang hubog ng katawan. Di man ito puno ng muscles ay fit and slim ang kanyang pangangatawan. Hindi ko lang alam kung may kalakihan ang kanyang pagkalalaki. Malayo kasi ako ng mapagmasdan ko siya at di ko matantya ang kalakihan ng bukol sa harap ng kanyang brief.

Nang mga sumunod na umaga ay hindi ko na nakita ang lalaking iyon. Meron pa rin akong nakikitang naliligo sa may paradahan ng bus pero pawang may edad na at naglalakihan na ang tiyan ng mga naliligong kalalakihan. Hindi tuloy ako ginaganahan na pagmasdan sila. Dumating ang unang Sabado ko sa lugar na iyon at wala akong pasok. Wala akong magawa sa loob ng pad ko kaya minabuti ko na lamang na lumabas at magtungo sa sikat na mall sa syudad na iyon. Habang nag-aabang ako ng taxi sa may kanto na di kalayuan sa tinutuluyan ko ay may biglang lumapit sa aking isang lalaki. Akala ko kung anong masamang pakay niya sa akin.

“P’re ikaw ba yung nakatira doon sa apartelle?” ang tanong sa akin ng lalaking iyon.

Agad ko siyang namukhaan na yung lalaking dalawang beses kong natunghayan sa paliligo ng nakabrief lamang. Hindi ko alam ang aking isasagot. Baka kung aamin ako ay bigla na lamang akong umbagan. Pero hindi naman ako sinungaling eh.

“Oo bosing. Doon nga ako nagrerent sa ngayon.” ang tugon ko naman.

“Sa third floor ka ba?” ang tanong muli ng lalaking iyon.

“Oo.” ang maikling tugon ko na may malakas ng kabog sa aking dibdib.

“Ako pala si Dave.” ang biglang pakilala niya sa akin na biglang nag-alis ng kaba sa aking dibdib.

“Ako naman si Tony.” ang pakilala ko din naman sabay abot ng aking kamay sa kanya.

Kinamayan naman niya ako.

“Saan ba punta mo?” ang tanong niya sa akin.

“Pasyal lang sana ako sa mall.” ang tugon ko naman.

“Mukhang bagong salta ko dito sa amin ah. Kabisado mo na ba ang mga mall dito?” ang tanong niya sa akin.

“Hindi pa nga eh. Kaya nga sasakay na lang ako sa taxi para maituro niya sa akin ang mall na gusto kong puntahan.” ang sabi ko naman.

“Gusto mo samahan na kita.” ang alok ni Dave sa akin.

“Wag na. Baka may pupuntahan ka pa.” syempre medyo pakipot muna ako pero sa totoo lang ay nais kong sabihin na okey na okey iyon.

“Hindi naman importante ang lakad ko. Pupuntahan ko lang sana ang kababayan ko para tumambay muna doon. Day-off ko sa pagmamaneho ngayon. Kapag day-off ko ay doon ako sa bahay ng kababayan ko tumatambay. Malayo din kasi ang talagang bahay namin dito kaya stay-in ako dyan sa bus terminal.” ang nasabi naman ni Dave.

“Ikaw ang bahala. Pabor din yun sa akin para hindi ako maligaw.” ang pagsang-ayon ko sa alok ni Dave.

Sumakay kami sa taxi at tinungo ang isang sikat na mall doon. Sa loob ng taxi ay nagpatuloy ang pagpapakilala namin sa isa’t isa. Nalaman ko tuloy na may asawa na si Dave at may isang anak. Pero hiwalay na sila. Nasa Maynila na ang kanyang asawa at anak. Hindi siya payag na tumira sila sa Maynila kaya nilayasan siya ng kanyang asawa dala-dala ang kanyang anak. Simula noon ay hindi na niya alam kung nasaan na ang asawa’t anak niya. Gusto sana niyang sundan ang mag-ina niya pero wala siyang perang sapat para gawin iyon. Panay na lamang ang pag-aabang niya ng balita sa mga kamag-anak ng asawa niya kung kailan uuwi ito. Yun na lamang ang tanging magagawa niya sa kasalukuyan.

Dahil sa nalaman ko ay naipangako ko na lamang sa kanya na sa pagbalik ko sa Maynila ay isasama ko siya at sasamahan mahanap ang kanyang mag-ina doon. Natutuwa naman siya sa aking naipangako. Sa loob ng mall ay hindi niya ako iniwan. Sinamahan ako sa lahat ng kailangan kong bilhin. Nang sumapit ang lunch time ay niyaya ko siyang kumain. Hindi naman siya tumanggi.

Nang matapos kaming kumain ay muli kaming naglakad-lakad sa loob ng mall. Ewan ko kung anong biglang pumasok sa aking isipan. Bigla ko siyang inakbayan ng malibre ang kanang kamay ko ng kunin niya ang ilan sa mga pinamili ko. Bale wala naman sa kanya ang ginawa kong pag-akbay. Talagang taking chances na ako ng mga sandaling iyon. Halos idikit ko na ang katawan ko kasi sa katawan ni Dave. Bale wala pa rin iyon sa kanya.

“Gusto mo bang manood ng sine?” ang alok ko sa kanya.

“Okey lang.” ang maikling tugon niya.

“Okey lang siguro na iwan muna natin sa baggage counter ang mga pinamili ko ng di istorbo sa sinehan.” ang tanong ko sa kanya.

“Okey lang yan. Dito mo naman pinamili ang mga yan.” ang tugon naman ni Dave.

Matapos mailagay sa baggage counter ang mga pinamili ko ay nagpunta na kami sa may sinehan. Siya na ang pinapili ko sa pelikulang panonoorin namin. Isang action movie ang pinili niya. Pagpasok na pagpasok namin sa sinehan ay inakbayan ko siya na para bang niyayakap ko na rin siya. Ang lakas talaga ng tama sa akin ni Dave. Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Bumitaw lamang ako ng mapansin ko ang ilan sa mga nanonood. Kaunti lamang ang nanonood dahil hindi naman sikat ang mga bida ng pelikula at mukhang hindi ko rin nabalitaan ang movie na iyon. Pero yun ang pinili ni Dave kaya okey lang sa akin na panoorin yun.

Pinauna ko si Dave at siya ang pumili ng pwesto namin. Tila alam ni Dave ang aking masamang pakay sa kanya. Pinili niyang upuan ay doon sa halos walang tao at kung ano man ang gawin namin ay hindi kami pansinin. Pag-upo namin ay nakaabay na agad sa kanya.

“Okey ka lang?” ang tanong ko sa kanya.

Tumango lamang sya.

Nang magsawa ako sa pag-akbay sa kanya ay nilipat ko sa kanyang binti ang kanang kamay ko. Hindi nagtagal ang kamay ko doon. Gumapang ito papunta sa kinaroroonan ng kanyang pagkalalaki.

“Okey lang ba?” ang tanong ko na naman sa kanya.

Tumango lamang siya sabay ngiti.

Kahit na nakamaong pants siya ay pinagtyagaan kong himasin ang nakabukol doon. Kahit papaano ay nadarama ko ang kanyang uten na medyo nabubuhay sa aking ginagawang paghimas.

“Gusto mo ba yan?” siya naman ang nagtanong sa akin.

Ako naman ngayon ang tumango at ngumiti sa kanya.

- ITUTULOY -