Monday, August 8, 2011

Gate Guard - Part 1

One Friday afternoon ay maaga akong umuwi sa aming bahay. Medyo nananakit ang aking likuran at gusto kong magpahinga. Kaya naman nag-undertime na lang ako that to continue my work in front of my computer at baka lalong tumundi ang sakit ng likod ko. Ewan ko kung bakit biglang sumakit likod ko. Maaga kasi akong pumasok ng araw na iyon at computer ko na ang hinarap ko pag-time-in ko. Marahil nangalay lang ang likod ko sa matagal na pagkakaupo sa harap ng aking computer. Naramdaman ko na lamang ang sakit during lunch break.


3 PM ng marating ko an gaming subdivision. As usual, I rolled down my car window to greet yun crush kong guard na duty that afternoon. He is my crush talaga dahil sa kakaibang dating nya. Pero hanggang paghanga na lang ako dahil hindi naman ako open sa ibang tao sa subdivision namin maliban lamang sa aking pamilya na hindi tinuring na big deal ang kakaiba kung preference. Chick-boy kasi ako, pwede sa chick at pwede din sa boy.

“Pang-araw ka na pala, David.” ang bati ko sa guard ng gate.

Last name nya ang David. Ganoon kasi ang tawagan ng mga guard sa amin kaya nakasanayan ko na rin silang tawagin sa last name nila.

“Opo sir. Fifteen days po uli na pang-araw ako.” ang tugon naman ng guard sa akin.

“Malas mo. Sobrang init kapag araw.” ang sabi ko naman.

“Ayos lang po yun sir. Kayo po bakit napa-aga ang uwi nyo?” ang tanong naman niya sa akin.

“Need ko lang mag-rest. Nanakit ang likod ko.” ang tugon ko naman.

“Dapat sir magpamasahe kayo para maibsan ang sakit ng likod nyo.” ang suggestion naman ni David.

“Pahinga lang siguro ito. Sige may paparating ng kotse. Makakaabala pa ako sa kanya.” ang paalam ko na kay David na mapansin kong may paparating ng kotse.

Pagdating ko sa aming bahay ay agad akong nagbihis, binuksan ang aircon ng silid ko at nahiga sa aking kama. Grabe ang init na aking silid at tila hirap ang aircon na palamigin ito. Bumangon ako makalipas ng 30 minuto. Lumabas ng aking silid at tinungo ang kusina. Nandoon na ang aming katulong at nagsisimula ng mag-prepare ng lulutuin nyang hapunan namin.

“Manang, ang aga mo naman magluto.” ang sabi ko sa kanya.

“Ire-ready ko lang sir. Pero mamaya ko pang alas-singko lulutuin.” ang tugon naman ni Manang.

“Ganun ba. Pwede mo ba akong pagtimpla ng malamig na juice. Samahan mo na rin ng sandwich ha. Dalhin mo na lang sa silid ko.” ang pakiusap ko kay Manang.

“Sige sir. Isusunod ko sa silid nyo.” ang tugon ni Manang.

Bumalik ako sa aking silid. Hindi nagtagal ay hinatid na ni Manang ang juice at sandwich ko. Habang nagmemeryenda ako ay nanonood na din ako ng TV. Medyo masakit pa din ang likod ko ng mga sandaling iyon. Bigla ko tuloy naisip ang suggestion ni David na magpamasahe ako. Kaya naman nag-text ako sa isang spa na nagbibigay ng home service. Ito na ang nakasanayan kong spa kapag magpapa-home service ako. Pero hindi ako pinalad na magkaroon ng available masahista sa oras na gusto ko. Mga 9pm pa daw ang pinaka-maaga na magkakaroon ng available at yung favorite ko daw na masahista ay day-off nya sa araw na iyon.

Wala na akong ibang alam na numero ng spa na nagpapa-home service. Sa gate guard ko una nakuha ang flyer ng spa na tinawagan ko. Kaya naman nagbakasakali ako na baka meron flyers ang ibang spa sa gate. Tumawag ako sa gate para malaman kung meron ngang ibang flyers doon.

“Hello.” ang bungad ng nasa kabilang linya.

“Si David ba ito?” ang tanong ko naman.

“Opo sir.” ang tugon naman ng nasa kabilang linya.

“Meron ba kayong available flyers dyan ng mga spa?” ang tanong ko na naman.

“Sir wala pong available sir. Wala pong nagbibigay lately.” ang tugon naman ni David.

“Si Sir John po ba ito?” ang tanong naman ni David.

“Yes, David. Si John nga ito.” ang tugon ko naman.

“Magpapamasahe po ba kayo sir?” ang tanong na naman ni David.

“Sana. Kaya lang walang available na masahista sa favorite ko spa na may home service.” ang tugon ko naman.

“Ganun po ba sir. Sa labas na lang kayo magpamasahe sir.” ang suggestion naman ni David.

“Wala akong makakasama at hindi ako sanay na nag-iisa na pumunta sa spa.” ang sabi ko naman.

“Kung gusto nyo sir samahan ko kayo. Kaya lang after 7pm pa ako makakapag-out.” ang alok naman ni David.

Nagtaka man ako sa alok ni David ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataong iyon na makasama sya sa gabing iyon. Matagal ko ng gusto yayain si David sa isang gimik para masimulan ko ang maging malapit sa kanya.

“Sure naman David. Walang problem sa akin na makasama ka at kahit 7pm pa ang out mo.” ang pagpayag ko naman.

“Talaga po sir. Mukhang nakakahiya naman sir.” Ang tila pagbawi ni David sa alok na pagsama sa akin.

-ABANGAN ANG KARUGTONG-