Tuesday, February 14, 2012

APOY - Part 7

Nang magkaroon naman ng pagkakataon si Sam na kausapin si Edward ay agad din niya itong ginawa. Pinakiusapan muna niya si Edward na huwag muna silang magkikita. Ipinagtapat din niya kay Edward ang hiwalayan nila ni Lance at ayaw niyang mabuntungan ng sisi si Edward kapag nakita sila ni Lance na magkasama. Sumang-ayon naman si Edward dahil naging abala din naman siya na kabubukas na business. Hindi din nagtagal ay nakabili na din ng sarili niyang condominium unit si Edward. Agad din siyang lumipat dito upang makaiwas na din sa kanyang bayaw.

Makalipas ang mahigit tatlong Linggo ay nabigla si Sam na madatnan niya si Lance sa kanyang pag-uwi sa bahay.

O Lance, anong ginagawa mo dito?” ang tanong ni Sam.

Wala lang nadaan lang ako.” ang tugon ni Lance.

Masaya ang aura ni Lance ng gabing iyon.

Kumain ka na ba?” ang tanong ni Sam.

Hindi pa. Kanina pa ako inaalok ni Mama. Pero sabi ko hintayin na lang kita.” ang tugon ni Lance.

Saan na pala sina Mama at Papa?” ang tanong ni Sam.

May pinuntahan lang. Pero dito din daw sa loob ng subdivision nyo. Birthday daw ng kumare ni Mama.” ang sabi naman ni Lance.

Tara na sa dining room at ng makakain na.” ang alok ni Sam kay Lance.

Sabay na nag-dinner ang dalawa. Masaya naman ang kanilang naging kwentuhan habang naghahapunan. Wala ng sumbatan at sisihan sa isa’t isa. Masasayang alaala na lamang ang nagpag-usapan ng dalawa pati na din ang tungkol sa kani-kanilang trabaho.

Matapos silang kumain ay nagbukas ng dalawang bote ng beer si Sam. Inabutan niya ng isang bote si Lance.

Bago ka umuwi, inom ka muna ng beer.” ang alok ni Sam kay Lance.

Sam, pwede bang dito muna ako magpalipas ng gabi.” ang hiling ni Lance.

Pwede naman pero anong idadahilan mo kay Emily?” ang tanong ni Sam.

Wala si Emily until tomorrow night. Nasa Baguio sya right now at nag-attend ng convention nila doon.” ang sabi naman ni Lance.

Eh sinong kasama ng mga anak mo?” ang tanong na naman ni Sam.

Isinaman silang dalawa ni Emily. Pati yung yaya nila kasama din sa Baguio. Kaya nag-iisa lang ako sa bahay.” ang sagot naman ni Lance.

Kaya nga naisipan ko na dito na lamang matulog.” ang dugtong pa ni Lance.

Nagpatuloy pa ang kwentuhan ng dalawa sa harapan ng TV. Ang tig-isang bote ng beer ay nadagdagan pa ng ilang bote. Hanggang sa dumating na ang mga magulang ni Sam.

Mukhang nagkakaigihan na naman kayo ah.” ang biro ng ama ni Sam ng makita silang masayang nag-uusap.

Hindi naman po Papa. Na-mi-miss ko lang kasi ang anak nyo. Ni hindi na kasi ako kinakausap mga ilang Linggo na.” ang sabi naman ni Lance.

Gabi na Lance ah. Buti pa siguro dito ka na matulog. Mukhang nakarami na din kayo ng beer na nainom.” ang alok naman ng ina ni Sam.

Ganun na nga po ang usapan namin ni Sam. Wala din po sina Emily at mga bata sa bahay. Nag-iisa lang ako doon. Kaya minabuti ko din na dito na lang magpalipas ng gabi.” ang sabi naman ni Lance.

O sige. Maiwan na namin kayo. Inaantok na kami kaya umuwi na kami. Pero huwag kayong iinom ng marami.” ang bilin naman ng ama ni Sam

Pa, last bottle na po namin ito. Wala na din po kaming iinumin. Sige po Ma, Pa, matutulog na din po kami pagkaubos namin nito.” ang sabi naman ni Sam.

Ganoon na nga ang nagyari. Matapos maubos ang huling bote nila ng beer ay pumasok na sila sa silid ni Sam.

Ligo lang muna ako.” ang paalam ni Sam.

Sabay na tayo.” ang hiling naman ni Lance.

Hindi naman tumanggi si Sam. Bago sila pumasok sa banyo ay isa-isa muna nilang inalis ang lahat ng kanila kasuotan. Nang muling makita ni Sam ang hubad at matipunong katawan ni Lance ay parang gusto niya ito yapusin. Subalit pinigilan niya ang sarili at gusto niyang pangatawanan nag desisyon niyang tapusin ang kanilang relasyon. Pagpasok nila sa loob ng banyo ay kapwa sila tumapat sa showerhead ng buksan na iyon ni Sam. Nagdikit ang kanilang mga katawan habang patuloy ang pagdaloy ng tubig sa kanilang katawan.

Maya’t maya pa ay biglang niyapos ni Lance si Sam. Hinalikan sa kanyang mga labi. Hindi na din napigilan ni Sam ang kanyang sarili. Nakipaghalikan na din siya kay Lance habang patuloy pa din ang tubig mula sa shower na dumadaloy sa kanilang unti-unti ng umiinit ng katawan.

I miss you Sam. Sana isang masamang panaginip lang ang pagtapos mo ng ating relasyon.” ang nabanggit ni Lance.

Hindi naman nagsalita si Sam. Nagpatuloy lamang siya sa paghalik sa mga labi ni Lance. Ang mainitang halikan nila ay nauwi sa isa pang mainitang pagtatalik sa loob mismo ng banyo. Pagkatapos nilang makapagpapalipas ng init ng katawan ay itinuloy na nila ang kanilang paliligo. Nang matapos silang makapaligo at makapagpunas ay kapwa na lamang sila nahiga sa kama ni Sam na wala pa rin saplot sa katawan.

Wala na bang chance na magkabalikan tayo?” ang biglang naitanong ni Lance.

Lance, I have decided already. Sana maintidahan mo ako. Sana din hindi na maulit ito. Papaano kita malilimutan kung palagi ka lang nandyan.” ang sabi naman ni Sam.

Sige kung ayaw mo ng relasyon eh ganito lang muna tayo. Paminsan-minsan ay magkikita tayo. Pwede naman tayong sex partners lang. Alam ko naman miss mo din junior ko.” ang sabi naman ni Lance.

Ayan ka naman. Ipagmamalaki mo na naman yang otcho pulgada mong batuta. Madami dyang bading sa labas na pakitaan mo lang ng otcho pulgada mong batuta ay tiyak na magkakandarapa na sa iyo.” ang biro naman ni Sam.

Kidding aside. Sorry pala ay napaghinalaan ko kayo ni bayaw. Sorry sa mga nasabi ko sa iyo noon.” ang sabi naman ni Lance.

Sabi ko naman sa iyo na walang third party involve. Gusto ko lang talaga na matapos na ang pagiging-guilty ko kay Emily at sa iyong mga anak.” ang sabi naman ni Sam.

I know na wala ngang third party. Bahay-opisina ka lang. At si Edward naman ay sobrang busy din sa negosyo nya.” ang sabi ni Lance.

Papaano mo naman nalaman ang activities namin for the past weeks?” ang tanong ni Sam.

Sorry sa ipagtatapat ko. I hired people kasi para alamin ang mga lakad nyo. Alam mo naman na noong nag-usap tayo ay malakas ang kutob ko na may kinalaman nga si Edward sa desisyon mo.” ang pagtatapat ni Lance.

Nagawa mo yun. Ibig sabihin talagang pinagdududahan mo ako na may third party involve.” ang medyo pagalit ng nasabi ni Sam.

Sorry. Pero talagang I don’t want to lose you. Ewan ko ba kung bakit napamahal ka ng husto sa akin. May asawa ako at pamilya. At kung yung sexual na pagpapaligaya mo sa akin lamang ang hanap ko eh pwede naman ako makahanap dyan ng mas magaling pa sa iyo. Pero iba ka. Ikaw ay isang tao na dapat lamang mahalin.” ang pagpapaliwanag ni Lance.

Labis naman pagdududa yan. Naghire ka ng mga tao para manmanan mga kilos namin. Sobra na yan Lance. Isipin mo na lang na para din sa pamilya mo ang iniisip ko. Kung makasarili lang ako eh hindi ko tatapusin ang relasyon natin.” ang sabi naman ni Sam.

Sorry na. Wag ka ng magagalit. Nagawa ko lang iyon kasi mahal talaga kita. Ayaw ko talagang mawala ka sa buhay ko.” ang paghingi ng tawad ni Lance.

Mahal ba yung pagdudahan mo ako. Hindi ako ang mundo mo Lance. Pamilya mo dapat ang isama mo sa pag-inog ng mundo mo. Sila lamang at wala ng iba.” ang sabi naman ni Sam.

Sorry na, please.” ang pagsusumamo ni Lance.


-ITUTULOY-